Tapos ng kumain si Manong kaya umandar na kami papuntang bouleverd. Yun ang sabi ni Kristy eh,manunuod kami ng sunset display. Alas sais y nieve na at malapit na kami sa seaside boulevard.Salamat at nakaabot na kami. Teka! Hindi naman kami um-oo kanina ah pero bakit pumunta parin kami? Okay narin to, matagal narin kasi akong hindi nakakakita ng sunset.
"Yeah! Nandito na tayo!",sabi ni Kristy habang excited na excited lumabas ng kotse.
"Tsk!" tanging ekspresyon ni Liezel. Kahit kailan talaga, si Liezel panira ng moment.
"Ano pa bang ginagawa niyo diyan? Bumaba na kayo at baka hindi niyo pa maabutan ang sunset display!", sigaw ni Kristy. Sasabihin ko sana kay Liezel na sabay na kami pero di ko akalaing nakalabas na pala siya. Hindi man lang nagsabi. Kung sa bagay, busy kasi ako sa pag-attak sa COC.
Lalabas narin sana ako nang mag-stock ang seatbelt ko.
"Ano bang nangyayari sa seatbelt na to? May galit ba to sa akin?!"reklamo ko.
"Kailangan mo ba ng tulong Ma'am?",tanong ni Manong
"Ahm. Opo. Na-stock kasi ako dito sa seatbelt". Mabuti nalang talaga at nandito si manong at tinulungan ako. Tumingin muna ako sa wrist watch ko. Naku! 6:19 na! Sunset pa naman ng 6:20!
Natanggal na ni Manong ang seatbelt at agad naman akong lumabas. Tumakbo ako papunta sa kinatatayuan nina Kristy at Liezel nang...
"Ouch!"
Nabangga ako sa isang lalaking nagii-skateboard.Nakatingin lang ako sa baba niya. Ang ganda ng sapatos.
"Are you okay?",tanong niya
"Obvious ba?!",sabi ko sa kanya. Bahagya akong humarap sa taas at...napanganga sa nakita.
Ang gwapo ng kaharap ko. Anghel? Ang kisig niya! Tall. Maputi. Mas lalong nakaka-gwapo sa kanya yung headphone na nasa leeg niya. Ang gwapo niya talaga! Napakakinis ng balat!
Inabutan niya ako ng kamay. Humawak naman ako sa kamay niya. Eehh! Kinikilig ako! Salamat naman at nakatayo na ako. Agad ko namang pinagpagan ang katawan ko gamit ang kamay ko.
"Next time, watch your steps para do ka mapa'no. Tsk" aniya
Ang cute niya pag nagagalit! Napakagat labi nalang ako. Tsaka nakatingin parin siya sa akin.
"What are you looking?!",galit na sabi niya.
"Ang gwapo mo",pabulong kong sabi pero alam kong narinig niya yung sinabi ko. Naku! Bakit ko pa ba yun sinabi sa kanya?! Baliw!
"Thanks.I'd take that as a compliment. Pero...hinding hindi ako papatol sa'yo. What a nerd ugly girl?!", aniya tsaka umalis gamit ang skateboard niya.
Nakatulala parin ako at nakatingin sa pag-alis niya.Ang gwapo niya! Agad tumibok ang puso ko! Ganito ba ang... Love at first sight?
Napatigil ako sa pagde-daydream nang agad akong hinila ni Kristy papunta sa kinatatayuan nila.
"Ano ba yang tinutunganga mo diyan saz? Ayan tuloy,hindi mo na nakita ang sunset kanina!",sermon sa akin ni Kristy pero wala parin ako sa sarili.
"Okay lang. Nakita ko naman kasi ang tunay na sunset",pinagdiinan ko talaga ang huling salita.
"Ha? Anong pinagsasabi mo diyan?! Siguro,gutom lang yan saz!",aniya ni Kristy habang tinutusok-tusok ang tiyan ko.
"Tumigil ka nga! Anong gutom eh kakakain lang natin!", pag awat ko sa kanya.
"Sorry na!" aniya "Ayan na! Wala na ang sunset ouh!"
"Huwag ka nga diyan! May bukas pa noh!" Sermon ni Liezel.
"Kahit na! Maraming pwedeng mangyari! Pwedeng magkasakit ako.May problema sa bahay. Ma flat ang gulong ng sasakyan.Makatulog habang nag-aaral.May date sa-"-kristy
"Tumigil ka na nga! Nakakahilo ka!",pagputol ni Liezel sa sinabi ni Kristy kanina. Sumimangot naman si Kristy at nag-kibit balikat saka pumasok sa kotse nang padabog. Agad naring sumunod si Liezel kay Kristy at pumasok na sa kotse.
"Mga Saz ko talaga! Baliw."
Pumasok na ako sa kotse at umandar na ang engine at hinatid na kami.
____________________________________
Hinatid na ako ni Kristy sa mansyon. Nauna pala si Liezel na hinatid.Mas malayo pa kasi ang bahay ko kesa sa bahay namin.Pumasok narin ako sa loob ng mansyon.
Agad akong umupo sa sofa ng sala at tinurn-on ang TV. Wow! Saktong sakto. Tinker bell special ngayon sa Disney Movies kaya swerte ako.
Kriiiinnnggg!!!
Mommy calling...
"Hello mom?"
[Hi honny ko.Are you alright baby?]
"Okay lang po ako ma. Tsaka,huwag niyo narin po akong tawaging baby. Malaki na po ako"
[Ok.Susubukan ko]
"Ahm. Mom. Kailan po kayo uuwi galing London?"
[Im so sorry dear. Mukhang hindi pa kami makakauwi ng daddy mo this week. We have to sign the contract next week pa and we're going to New York soon for the business proposal]
"It's okay Mom, naiintindihan ko naman po. I'll end up this call. I love you Mom !"
Hay! Heto na naman ang problema sa mga magulang ko.Masyadong workaholic. Kaya heto sila,wala na naman sa mansyon. Parati nalang akong mag-isa kada oras. Aist! Pinatay ko nalang ang TV at bumaba sa papuntang sala.
Dinala na ni Manang ang cake na hinanda niya.Nilapag ni Manang ang cake sa mesa. Kinain ko na yun. After nun, pumasok na ako sa kwarto.Agad akong humiga.Sa wakas! Makakapagpa-hinga narin ako.
Bigla kong naalala yung lalaki na naka-skateboard.
>////<
Kinikilig parin ako sa tuwing naaalala ko siya. Aahhh!!! Inaalala ko parin ang bawat katangian niya.
____________________________________
Hindi ko nalaman na nakatulog pala ako sa kaka-imagine sa kanya.Tumayo nalang ako. Linggo ngayon kaya kailangan kong magsimba, as usual!
Hinanda ko na ang damit ko para sa simba. Naka long palda parin ako at makapal na jacket. Agad naman akong naligo.
Time Check: 7:30 am
Sakto lang! Kakatapos ko lang magbihis at kumain.Tatawagin ko nalang si Manong!
"Manong! Tara na po! Magsisimula na ang misa!",sigaw ko kay Manong na natutulog sa kotse. Nagising naman siya agad kaya nag-start agad siya ng engine. Malayu-layo rin pala ang simbahan galing dito sa bahay. May malapit naman na simbahan pero mas gusto ko paring magsimba dun sa Cathedral. Nasa Highway na kami ni Manong. Kaso biglang nagka-traffic.Naku! Problema talaga to ngayon ! Traffic na kahit saan!
"Ma'am.Traffic po ngayon. Baka hindi po tayo makaabot sa misa",malungkot na sabi ni Manong
"Okay lang Manong",sagot ko.
Hay! Ang malas naman! Sinandal ko nalang ang ulo ko sa bintana ng kotse.Tumitingin tingin ako sa labas nang makita ko ang napaka pamilyar na mukha...
To be continued...
BINABASA MO ANG
Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]
Teen Fiction"REVENGE BA ANG SAPAT NA PARAAN PARA MAGING MASAYA?" Yun bang may naapakan ka nang tao, walang kinatatakutan ni wala kang pinapansing iba kundi sarili mo lang? SELFISH lang for short. Pero mababago ba ng paghihiganti ang lahat? Lahat ng sakit na din...