MNGB 54:Good Job

6.3K 162 0
                                    

Jamela's POV

Ano na kayang balita sa pina-imbestiga ko kay Jake?

Nagawa ba niya ng maayos ang plano niya?

Nalaman niya na ba kung sino ang ama?

O baka naman...

Pumalpak siya...

At hindi niya alam kung sino ang ama ng dinadala ni Liezel?

Kanina pa ako nagpapa-ikot ikot sa loob ng sala.

Naghihintay kung merong tawag na dumating galing kay Jake.

Pero hanggang ngayon wala parin.Para na akong baliw kaka-ikot.

Hindi kasi ako mapakali.

Nasa'n ka na ba Jake?! Tss!

*KKKRRRRIIIINNNGGGG*

Yes! Andyan na ang tawag ni Jake!

Pinindot ko agad ang answer call nang hindi na tumitingin kung sinong tumawag.

Alam ko na kasing si Jake to eh.

"Hello? Ano na? Maganda ba ang balita?",sabi ko sa kabilang linya.

[Oo! Nag-propose na siya sa'kin besh!]

Huh?!Ano to?! Boses ng isang babae?! Sino tong timang na tumawag sa'kin?!

"Sorry.Wrong number ka teh.Ayusin mo nga yang pag-dial mo sa number mo para hindi ka naman mahiya! Tawag tawag akala mo kung sino!"

[Sorry.Ibababa ko na]

"Talagang ibaba mo na ang phone mo.Dahil hindi kita ka-ano ano at wala akong pake kung nag-propose na yang BF mo ng kasal! Maghihiwalay rin kayo!"

[Anong sabi mo? Maghihiwalay kami ng BF ko? Alam mo bang mahal na mahal niya ako kaya gusto niya akong pakasalan?!]

Gusto mo ng away ha? Pwes,hindi kita uurungan.

"Ah talaga? Bakit? Maganda ka ba para sayo lang habang buhay ang isang lalaki?! Pwe! Pangit ka! Pangit na,poorita ka pa!"

[Anong tinawag mo sa'kin? Pangit? Poorita?!]

"Ang bingi mo rin noh? Kakasabi ko lang di'ba? Pangit ka na,Poorita ka pa! Gusto dagdagan ko pa ha? Maitim yang panty mo dahil once a month mo lang nilalabhan?!"

[Sige lang.Sabihin mo na lahat.Dahil walang magbabago at mahal parin ako ng magiging asawa ko! Baka naman,inggit ka lang dahil wala ka ni boyfriend?]

"Wala akong pakialam! Malay ko ba sa pagmamahal ng boyfriend mong s*x lang ang habol.Magsama kayong mga pangit! Duwag! At para sabihin ko sayo,may boyfriend din ako kaya huwag mo akong pangunahan!"

Binaba ko na ang letcheng cellphone.

Nakakainis! Bina-badtrip talaga ako!

Tawag tawag pa siya na-wrong number lang naman pala!

Paakyat na sana ako nang makita ko ang mga kasambahay na nakikinig sa akin.Tumatago pa sila sa sulok.

"CHISMIS BA ANG TRABAHO NINYO?! HOY! SINUSWELDUHAN KO KAYO KAYA KUNG MAGCHI-CHISMIS LANG NAMAN PALA KAYO,MALAKING MALAKI ANG PINTUAN PARA MAKALABAS KAYO!!!",sigaw ko at umakyat na pataas.

Hindi na nga tatawag si Jake.Nahihiya siguro yun sa'kin dahil pumalpak siya!

Argh! Nakakainis! Nakakainis talaga!

Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon