Clyde's POV
"Gising ka na! Clyde!",paggising sa akin ni Kristy at kiniliti ako.Pero hindi parin ako gumising.Gusto pang matulog.
"Ah Ayaw mong gumising ha?".Tumigil siya sa kakakiliti sa akin.
Wala akong narinig na ingay kaya minulat ko ang mata ko.
Nasa itaas ko na si Kristy at nag-smack kiss sa labi ko.
Bakit iba ang pakiramdam ko? Parang si Liezel ang naiisip ko,hindi si Kristy.
"Tayo ka na",aniya at umalis na sa itaas ko.
Tumayo na ako.
Tumingin ako sa higaan ni Liezel.Wala siya dun.Nasa'n siya?
Nga pala,wala na kami sa garahe.Nandito na kami sa malaking kwarto.Okay narin to kesa sa garahe.
Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa utak ni Jamela at pinasabi niyang sa ibang kwarto na daw kami.
[Flashback]
"Huwag niyo nang sagutin.Total hindi ko naman yun kailangan".
Umalis na si Jamela sa kinatatayuan niya at pumasok na sa hotel.
"Ano bang nangyari kanina at maraming tao ang nakapalibot dun?",tinanong ko si Liezel.Siya kasi ang pumunta sa bartender para kumuha ng bagong wine.
Sabi kasi ni Jamela na siya na sana pero natagalan siya kaya si Liezel nalang ang pumunta.
"Nandito si Stacey kanina",walang ekspresyon niyang sagot.
"Ano?! Sana pinapunta mo siya dito para makapag-usap tayo!",sabi ni Kristy habang uminom ng wine.
"Pero nagsimula na naman si Jamela. Nag-higanti na naman siya at si Stacey ang pinaghigantihan niya.Kaya hindi ako lumapit dahil alam kong idadamay niya ako",paliwanag ni Liezel.
Bakit sa twing tumitingin ako kay Liezel,parang bumibilis ang tibok ng puso ko.
Ngayon ko lang nalaman na maganda pala si Liezel.
"Sana naman may tumuro ng leksiyon diyan kay Jamela para tigilan niya na'to",sabi ni Kristy at uminom ulit ng wine.
"Hayaan niyo siya.Kung gusto niyang maghiganti,edi maghiganti siya.Alam ko naman mako-konsesya yan",paliwanag ni Liezel at uminom din ng wine.
"Ahm.Excuse me.Kayo po ba sina...Clyde Vellingtong,Kristy Ericka Laurel at Liezel Underson?",tanong nang isang worker din dito.Kagaya kasi ang uniform niya sa mga worker dito sa hotel.
"Oo,kami nga.Anong kailangan nila?",tanong rin ni Liezel.
"Sabi po ng President na sa Room 86 na raw po kayo matutulog.Dun narin po ang kwarto niyo",dugtong niya at umalis na.
Tumingin si Liezel sa amin ni Kristy.
"O diba?Mako-konsensya siya?",aniya at hinawakan ang susi.
Sa Room 86 daw kami.
"Pasok na tayo sa hotel? Baka kasi malasing na naman kayong dalawa",sumbat ni Kristy.
Putang! Naalala ko tuloy ang nangyari sa nakaraang Friday.Bakit pa ba kasi naglasing nun? Ang alam ko,gusto kong malimutan yung brief na binigay ni Jamela eh.
Napaisip nga ako...
Mahal ko pa ba si Kristy?
[End of Flashback]
BINABASA MO ANG
Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]
Teen Fiction"REVENGE BA ANG SAPAT NA PARAAN PARA MAGING MASAYA?" Yun bang may naapakan ka nang tao, walang kinatatakutan ni wala kang pinapansing iba kundi sarili mo lang? SELFISH lang for short. Pero mababago ba ng paghihiganti ang lahat? Lahat ng sakit na din...