Epilogue

10.9K 242 33
                                    

Arthur's POV

Binaba ko ang dala kong bulaklak at nagtirik ng kandila sa puntod na nasa harapan ko.

Umupo ako sa harapan ng puntod niya at pinagmasdan ang larawan niyang nakadikit sa puntod.

Ang ganda mo rin pala hanggang ngayon.Hindi parin nakakasawa yang mukha mo.

Dalawang taon na simula nang iwan mo ako.Pero hanggang ngayon,hindi ko parin makalimutan ang mukha mo.Araw araw kong naririnig at naaalala ang boses mo,araw araw kitang nakikita sa panginip ko.

Hanggang ngayon,sariwa parin sa akin ang nangyari 2 years ago.Isang trahedya na hindi ko inaasahang pwede palang mangyari sa buhay natin.

Napatawad ko na si Stacey.Total,wala na siya sa mundong ito kaya wala nang saysay kung magtanim pa ako ng galit.

Hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko.

Bakit mo pa ako kailangang iwan?

Wala na tuloy'ng nagsasabi sa'kin ng tama at mali.

Dahil 2nd Anniversary mo na ngayon.Panahon na sigurong baguhin ko na ang sarili ko at magsimuli muli.Kakalimutan ang lahat na nangyari noon at magbabago.

Napatigil ako sa pag-iisip ko nang may yumakap galing sa likod ko.

"Male-late na tayo sa Reunion",aniya.

Humarap ako sa kanya at tiningnan siya.

Ang ganda parin niya.Ang ganda ng mga mata niyang hinding hindi ko malilimutan.

"Tara",sabi ko at hinawakan ang kamay niya saka naglakad papunta sa kotse ko.Sinulyapan ko muna ang puntod ng Mama ko.I love you Mom.

Tumingin ako sa pinakamamahal kong asawa.Ang ganda niya.

Tumingin rin siya sa'kin kaya dahan dahan akong lumapit sa mga labi niya at hinalikan siya.

Ilang sugundo lang,naghiwalay na ang aming labi.

Ngumiti siya kaya hindi ko rin mapigilang ngumiti.

"I love you Jamela",matamis na sabi ko sa kanya.

"Mahal din kita,Arthur Davis.Hinding hindi magbabago yun",sabi niya.

Pinaandar ko na ang kotse ko at pumunta na sa Reunion.

***

Jamela's POV

Dalawang taon.Dalawang taon na ang dumaan.Andami ko palang nagawang kasalanan.Hindi lang sa mga taong pinaghigantihan ko,kundi pati sa mga taong hindi ko alam na nadamay pala ng kaka-revenge ko.

Akala ko katapusan ko na nung tinutukan ni Stacey ang ulo ko ng baril.Akala ko,wala na akong kawala sa mga balang lalabas sa baril niya.Mali ako...

[Flashback]

"SO? YUN NA ANG LAST WORDS MO? SIGE NA! MAMAMATAY KA NA!!!"

*BOOOGGSSHHH!*

*BOOOGGSSHHH!*

*BOOOGGSSHHH!*

Tunog nang bala...

Pero may kakaiba...

Akala ko ako ang natamaan ng bala.

Pero hindi...

si Stacey pala.

Biglang dumating ang mga police para i-rescue kami.

Napa-upo nalang ako sa sobrang kaba.

Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon