Chapter 5 - You And Me

12.1K 441 36
                                    

*Chris Jay's POV*

At yun, wala na kong nagawa kundi ang manood ng battle of the bands.

Hindi ko alam pero kahit papano nage-enjoy ako. Mas mabuti nang mapudpod ang pwet ko sa kakaupo kesa naman mapudpod ang sapatos ko sa kakatakbo makalayo lang kila Jeff, idagdag mo pa yung bonus na suntok mula sa kanila.

"Mas Bet ko yung ikatlong grupo kanina kesa dito." Komento ni Axel. Oo nga pala, katabi ko na sya ngayon.

Nakakatawa nga dahil nagalit pa samin yung katabi ko kanina dahil kahit nasa likod ko si Axel wala kaming ginawa kundi ang magdaldalan kaya ang ending, nakipag-palit ng pwesto yung babae. Nakakahiya nga e. Hahaha.

Apat ang nasa isip ko, una kung hinahanap parin ba ako nila Jeff. Ikalawa, hindi ko parin maintindihan kung bakit ako napunta dito. Ikatlo, inaantok ako sa kanta nitong nagpe-perform. Bukod pa sa pakiramdam ko hindi na ako virgin dahil sa sakit ng pwet ko.

Pero mas Ok na ang magkapaltos ang pwet ko kesa naman lumaki ang mga ugat ko sa binti dahil nakatayo ako dito. Yung isang babae nga ewan ko kung pano sya nakapasok sa school na to na pokpok short ang suot nya eh. Nakatayo pa sya, siguro nagtitiis para maka-aura sa mga boys. Tiis-ganda ba? Naku! Tiis-landi lang dahil di naman sya maganda. Tiis-tiis pala. Hahaha. Bad ko.

Bakit nga ba kasi ako nandito? Haaay!

"Ang taray mo talaga, Cj!...

Alam mo, ansarap talaga sa feeling ng VIP yung upuan mo...

Anlakas ng backer mo ah!" Sabi ni Axel sakin. Hindi naman malakas yung boses nya, sakto lang para marinig ko.

"Hindi ko nga kilala yun e." Sabi ko sa kanya. Nanlaki naman yung mata ni Axel.

"Grabe ka! Samantalang ako, kinausap ko na lahat ng staff dito para sa pwesto ko na malapit pero di ko makukuha yung front seat kasi VIP daw....

Alam mo na, reserved daw para sa mga relatives or special someone ng mga magpe-perform." Paliwanag ni Axel.

So, magpe-perform si KISA ko? Teka? Bakit nakaramdam ako ng kaba? Tsaka, bakit nakikiliti ang tiyan ko? Naku, natatae yata ako.

"Magpe-perform ba yung nagdala sayo dito?" Tanong nya. Naikwento ko kasi kanina na may nagdala lang sakin dito. Pero di ko sinabi sa kanya na si Bimpo-man yung nagdala sakin.

Dahil alam ko na hindi nanaman ako tatantanan nito, daig pa nito ang isang news anchor sa GMA.

"Malay ko!" Sagot ko. Hindi ko naman talaga alam eh. Siguro, organizer yun dito.

"Loko ka!...

Hindi mo pa sakin sinasabi ang dahilan...

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon