*Chris Jay's POV*
8:45AM
Pagtingin ko sa wall clock ng kwarto ko.
Mabigat pa ang mga mata ko pero kailangan kong dumilat.
Aarrrgghhh!
Ang sakit, Sh*t!Binibiyak ang ulo ko! Ganito ba talaga ang pakiramdam ng hangover?
Parang lahat ng init sa paligid napunta sa ulo ko.
Pero...
Kailangan kong bumangon para sa trabaho ko.
Agad akong tumayo at pumasok sa CR para sa morning rituals ko.
"Aww!" sabi ko nung nakaka-ilang hakbang palang ako.
May kumikirot sa... sa...
Pwetan ko.Ano bang ginawa ko kagabi?
Tumambling at tumama ang pwet sa sahig?
Haay! Maya ko na nga intindihin to.
Agad akong nag-hilamos at nag-toothbrush para makapag-luto na ko.
Sabado ngayon, tanghali kung magsi-gising sila PJ. Kaya kahit papano di pa ko late. Makakapagluto pa ko bago sila gumising.
Paglabas ko ng kwarto diretso agad ako sa kusina...
Nakita ko na may konting piniritong ulam sa lamesa.
Sigurado, eto yung kinain ni Mam Grace kanina.
Dahil nagpapaluto sya kay Nanay Lita para sa almusal nya. Ako nagluluto para naman kila PJ.
Maaga kasi sya umaalis pag-sabado, hindi na mainit yung nilutong ulam pagnagising sila PJ. Kaya nagluluto ako ng bago.
Masakit pa talaga ang ulo ko, kelan ba mawawa to?
Andami ko sigurong nainom kagabi. Si SL kasi di ako inawat. Pero kasalanan ko naman yun e.
Agad naman akong kumuha ng lulutuin ko sa ref. Inihanda ko ito para maluto na.
Habang nagluluto ako, iniintindi ko din yung sakit ng ulo ko.
Gaano ba talaga karami ang nainom ko kagabi?
Dahil sa sobrang dami, wala na kong matandaan e.
Ang natatandaan ko lang yung nakipag-kwentuhan ako kay SL. At...
At..
Urrgghh! Di ko na alam!
Ok naman ang lahat, nasa kwarto ako natulog at di naman siguro ako nag-wala.
Bigla nalang pumasok sa isipan ko si Ivan.
Bakit ganito?
Pag-naaalala ko sya, nadudurog ang puso ko.
Panandalian lang pala ang anesthesia na para sa sakit na nararamdaman ko. Akala ko, pag-uminom ako mawawala nalang na parang bula pero... Andun parin pala.
Dahil ang alam ko, hindi dapat tinatakasan ang problema... Dapat itong solusyunan.
Pero paano nga ba?
Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Ivan.
Hindi nya ito sinasagot.
Naiiyak ako, tinapon nya ba talaga ang lahat saamin?
Naka-ilang tawag ako pero hindi nya sinasagot. Hanggang sa hindi ko na sya matawagan. Haaay! Nakakapanlumo.
Hindi ko pwedeng itapon ang lahat samin dahil...
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...