Chapter 45 - New Start

6.9K 289 52
                                    

*Chris Jay's POV*

Dumating ako ng mansion...

Nanggaling muna ako sa bahay namin ni Nanay. Pinag-leave kasi muna ako ni Mam Grace para magpahinga.

Pagdating ko ng mansion...

Andun parin...

Dala ko parin...

Masakit parin...

Dahil nasakin parin yung sakit ng puso ko.

Tuluyan nang gumaling ang mga sugat at pasa ko pero...

Kahit kelan, hindi parin nawawala ang sakit ng puso ko.

Pakiramdam ko...

Kahit kelan hindi mawawala ito...

Yung parang may biyak sa puso ko.

May parte ng puso ko na kahit kelan...

Hindi na gagaling.

Sabi nila...

Time can heal.

Pero tingin ko, hindi sa lahat ng pagkakataon.

Sabi nga ni Taylor Swift sa kanta nya...

'Band-aids don't fix bullet holes'

At yun ang nararamdaman ko.

Yung pumapatay sakin...

Na nalaman kong...

Pinaglaruan lang ako.

Ang mas masakit pa dun, sa iba ko pa nalaman.

Masakit...

Hindi naman ako isang video game na pwedeng paglaruan.

Niloko ako ni Ivan...

Sinaktan nya ko...

Pinatay nya ko.

Akala ko, wala nang mas sasakit pa nung iniwan nya ko dahil sa gusto nya ng normal na buhay na yan...

Pero kaya naman pala...

Hindi naman pala nya ko minahal.

Pinagkatiwalaan ko sya...

Binigay ko ang lahat sakanya...

Miski ang sarili ko, binigay ko sakanya ng buong buo...

Pero t*ngina! G*nago lang pala ako ng hayop.

Ganito na ba talaga ko?

Dahil ba bakla ako kaya dapat...

Pinaglalaruan ako?

Mas lalo akong natakot magmahal...

Akala ko ba, masaya ang magmahal?

Akala ko ba wala nang hihigit sa pagmamahalan ng dalawang tao...

Pero anong nangyari?

Parang lahat ng paniniwala ko patungkol sa pag-ibig...

Bumaliktad.

Parang lahat nadurog... Kagaya ng puso't isip ko.

Ganun siguro talaga...

Walang lalaking magmamahal sakin ng totoo...

Na lahat ng lalaki, paglalaruan lang ako.

Alam ko na sabi sa logic, na isa yung fallacy.

Under yun ng 'Hasty Generalization'.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon