Chapter 8 - His Name

11.2K 401 31
                                    

*Chris Jay's POV*

"Cj, look oh...

Someone's waiting for you!" Naka-ngiting sabi ni Axel. Sabay turo sa labas ng room.

Agad naman akong napatingin sa labas,
"How sweet!" Kinikilig nyang sabi. Palibhasa walang lovelife! Haha.

KISA?

Ano naman kaya ang ginagawa nya dito? Tsaka pano naman nya nalaman ang course at section ko? Idagdag mo pa kung pano nya nalaman yung room ko.

Agad naman itong kumaway sakin kasabay ng matamis na ngiti.

Tugdug, tugtug, tugtug...

Haay! Manahimik ka nga dyan! Parehas nga kayong manahimik ni Axel!

"Hindi lang isa ang nag-aabang sayo...

Kundi, dalawa!" Nagulat ako sa sinabi nya. Teka?

Nakita ko na nandun din si Jeff. Teka? Bakit ganun ang mukha nya? Di ko maintindihan.

Para syang naiirita o natatae? Haay, ano naman kaya ang gagawin nya. Tapos napatingin ako kay KISA, tumango sya sakin na parang sinasabi na "I'm here, wag kang matakot sa kanya."

Ewan ko pero, napangiti ako dun.

"♪Sino ang pipiliin mo, sya ba na pangarap mo o sya bang kumakatok sa puso mo... Ohhh..♪" pagkanta ni Axel. Loko talaga to.

"Sino ba kasi, mahal mo o mahal ka?...

Isang tagapagligtas at isang nagpapatibok sa puso mo." Sabi nya. Agad ko syang binatukan.

"Baliw....

Nagpapatibok ka dyan, baka nagpapakaba dahil sa takot." Sagot ko sa kanya.

"Did you know that....

Pagkinakabahan ka, bumibilis din ang tibok ng puso mo. O? Ano? Tama naman ako ah!" Pagkontra nya. Hindi nalang ako sasagot, ganyan naman yan hindi nagpapatalo.

Nanahimik ako. Sya? Ayun, salita ng salita.

Hanggang sa natapos na ang class ko,
"This is it! Mamimili na sya!" Sabi ni Axel. Sabay paalam sakin, loko to! Iniwan ako.

Kunyare, may kinakalkal ako sa bag ko. Para matagalan akong lumabas, dahil sigurado akong mabilis ma-bored si Jeff. At pag nangyari yun, aalis sya. Hahaha.

Hanggang sa ako nalang ang natira sa loob ng room namin. Hindi ko na matanaw kung nasaan na yung mga nag-aantay sa-

"Ano, di ka ba lalabas? Gusto mo bang kaladkadin pa kita palabas?" Nagulat ako kay Jeff. Pumasok na ito ng room at naka-cross arms pa.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon