*Chris Jay's POV*
Naka-dilat lang ang mga mata ko, habang nakapikit si Storm.
Damang-dama ko yung halik nya sa labi ko...
Eto yung halik nya...
Na hinahanap-hanap ko.
Unti-unting lumabo ang paningin ko.
Nung napansin kong idinilat ni Storm ang mga mata nya, humiwalay sya ng halik sakin at...
Niyakap nya ko.
"Sshhh... Wag kang umiyak!" sabi nya sakin. Kaya pala lumabo ang paningin ko dahil may umagos na luha sa mga mata ko.
"Natatakot ako...
Natatakot akong magtiwala ulit...
Natatakot akong mag-mahal ulit." hindi ko alam kung bakit yun ang sinagot ko sakanya.
"Naiintindihan ko...
Pero sana, wag mong isarado ang puso mo." makahulugan nyang sabi sakin.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil...
Hinatak ko sya at...
Marahang hinalikan.
Bakas sa labi nya ang pagka-gulat pero naramdaman kong lumaban din sya sa halik ko.
Bakit ba ganito ka sakin, Storm?
Bakit ganito ang naidudulot mo sa katawan ko?
Naging madiin ang halik nya sakin.
Paminsan-minsan kinakagat nya ang lower lip ko.
Napa-hawak ako sa batok nya dahil pakiramdam ko, mawawala ako dahil sa halik nya.
Naramdaman kong napahawak sya sa bewang ko.
Matangkad sakin si Storm at nakayuko sya para maabot nya ang labi ko. Habang ako medyo nakatingala.
Nung naramdaman ko na iaangat na ni Storm ang t-shirt ko.
Para kong nabuhusan ng malamig na tubig.
Dahil agad akong nagising sa katotohanang 'anong nangyayari sakin?'
Bahagya ko syang naitulak.
Parehas kaming habol ng habol ng hininga.
Napakagat ako ng labi habang hinahabol ang paghinga ko.
Nakita ko naman sya na parang naputol yung kaligayahan nya. Naaplunok naman sya habang hinahabol din ang paghinga.
Tumingin ako sa mga mata nya, bakit ganito? Nakikita ko sa mga mata nya na... Gusto nya ko ngayon.
Nagulat ako dahil bigla nya ulit akong hahalikan.
Pero napa-tingin ako sa kanan kaya naramdaman kong sa pingi ko tumama ang halik nya.
"S-storm...
Ma-maglilinis ako ng kwarto mo." utal-utal kong sabi sakanya.
Tinigilan naman nya yung pag-halik sakin at umatras ng konte.
Alam kong nabitin sya...
Aaminin ko, maging ako din.
Bigla syang umupo sa study table nya at itinuloy ang ginagawa nya kanina.
Ako naman, kumilos na para mag-linis.
Pakiramdam ko naka-patay yung aircon nya dahil pinagpapawisan ako habang nagliligpit.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...