Chapter 33 - The Nightmare

8.6K 306 139
                                    

*Chris Jay's POV*

Muli nya kong hinalikan...

Dahan-dahan...

Yung ma-ingat, yung walang gigil at pagka-rahas.

Marahan lang, yung ramdam ko yung init sa labi nya...

Hindi ko alintana ang lamig kahit basa kaming dalawa dahil sa init ng tagpo naming dalawa.

Hindi ko mapigilan pero...

Natatangay nya ko...

Hanggang sa...

Sinabayan ko yung galaw ng labi nya...

Naramdaman kong tumibok ang puso ko...

Kasabay nito...

Ang pakiramdam na pagbuhos ng malamig na tubig sakin...

Dahil...

Agad kong hinawakan si Storm sa dibdib nya at bahagya syang tinulak.

"Mali to." sabi ko sakanya.

Bakas sa mukha nya ang pagka-gulat at... Pagka-Bitin?

"Bakit? Ano bang mali sa ginagawa natin?" tanong nya.

Iniwas ko ang tingin ko sakanya.

Pero, hinawakan nya ang baba ko at iniharap nya sakanya.

"S-si Ivan." sabi ko.

Bigla kasing pumasok sa isipan ko ang taong mahal ko...

Si Ivan.

Pakiramdam ko, pinagtataksilan ko sya sa ginagawa ko.

"Pinakawalan ka nya...

Wala nang kayo...

Kakasabi mo lang." sagot naman nya sakin. Parang nabasa nya ang nasa utak ko.

"Pero mahal ko sya...

Mahal na mahal ko sya." sagot ko sakanya. Habang tinitignan ko sya sa kanyang mga mata.

Napansin kong nag-iba ang hitsura ni Storm...

Mula sa mata nya, may tinatago syang hindi ko maintindihan...

Pero alam ko yun...

Lungkot yun.

Kilala ko sya... noon.

Maaaring nandito parin ang dating storm na...

Minahal ko ng sobra-sobra noon.

"Pero pinakawalan kana nya...

Sinayang ka nya...

Binitawan kana nya...

Hindi nya alam ang halaga mo...

Kaya nagkamali sya... Sa pagbitaw sa kamay mo.

Dahil...

Yun ang isang bagay na... Ginawa ko...

Na hanggang ngayon, pinagsisisi-" pinutol ko yung sasabihin nya...

Bakit?

Dahil ayoko nang ibalik ang nakaraan.

"Tama na, Storm!

Wag mo nang ibalik ang nakaraan... Dahil tapos na yun. Hanggang dun nalang yun." sabi ko. Sabay tingin sa kaliwa.

Ayokong makita ang mga mata nya... Kilala nya ko.

Muli nyang hinawakan ang baba ko at pilit na inihaharap sakanya.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon