Chapter 16 - With Him

9K 307 198
                                    

*Chris Jay's POV*

Pssst...

Text sakin ni Ivan, mukhang nangungulit nanaman sya sakin.

Tingin ka sa labas.

Text nya ulit. Hindi ko pinapansin kasi nasa class ako. Pero sa tinext nya, agad naman akong napatingin sa labas ng room.

Teka? Wala naman ah?

Uy, tumingin sya... Wala pa ako dyan, may class pa ko. Pero namimiss na kita. :')

Napangiti ako sa tinext nya. Lakas talaga nito. Lakas ng tama.

"Hoy friend! Nahanginan ka nanaman ba ng masamang hangin kaya ka ngi-ngiti ngiti dyan?" natatawang sabi ni Axel sakin.

Inggit nanaman kasi ang Gaga.

"Ang aga ng landi mo ah? Hindi pa nga tayo nagla-lunch e." reklamo nya.

"Antayin mo, matatapos na si Mam." sabi ko sa kanya. Lunch na after nito.

Pero kanina nag-lunch na ako...

Nag-lunch na ako ng kilig.

Kanina pa syang umaga nagtetext sakin e. Sinabi ko naman na hindi ako magrereply kasi nasa room ako, pero ang kulit talaga nya.

Hindi na pala ako sasabay sayo lunch. Hindi na pala muna ako magla-lunch ngayon. :'(

Text nya. What? Bakit naman? Akala ko sasabay sya samin. Nakakalungkot naman. Hindi parin ako nagrereply sa kanya.

Pero nagvibrate ulit ang CP ko.

Wag ka nang malungkot, nag-lunch na kasi ako ng ngiti mo e. Andito na ako sa labas ng room nyo. Nakita ko ang ngiti mo habang binabasa ang text ko, nabusog na tuloy ako. :')

Loko to, agad akong napatingin sa labas at nakita ko syang bitbit ang matamis na ngiti.

At...

Nung ngumiti ako sa kanya, nagflying kiss sya sakin.

Whuut? Cj! Wag kang kikiligin.

"Nakakadiri, ang lalandi nyo." sabi ni Axel samin.

"Inggit ka, friend?" pangaasar ko sa kanya. Dami kasing daldal nito e.

"Nah." maarte nyang pagkakasabi.

Hanggang sa matapos na, at....

Lunch date na namin. Este, lunch na pala.

Iniwan ko ang bag ko sa room at kinuha ko lang ang lunch box ko, mukha talaga akong kinder sa ginagawa ko.

Paglabas ko ng pinto,
"Na-miss kita" bungad sakin ni Ivan.

Napayuko lang ako sa sinabi nya. Pagyumuyuko ako, may ibig sabihin yun. Alam nyo na?

"Tara na." sabi nya sabay kuha ng lunch box ko sakin.

Nauna syang maglakad,
"Hindi ko parin sya gusto." kumento ni Axel. Kasi gusto nya yung pinsan nya. Gusto nya yung pinsan nyang...

"Babe? Tara na." pagtawag sakin ni Ivan. Babe talaga? Nasasanay na sya na tawag sakin yan ah? Nakow.

"Babe, parang naglolokohan lang." singit nanaman ni Axel.

Ano ba Axel? Please, shut up nalang! Ahahaha.

Nakahanap na kami ng pwesto nila Ivan, sa pang-apatan kaming upuan.

Katabi ko si Axel at katapat ko naman si Ivan.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon