*Chris Jay's POV*
"Wag kang mag-assume dyan! Di para sayo yun...
Para sakin yun...
Pinsan ko kasi yun e. Hahahaha...
Sorry, umasa ka yata!" Natatawang sabi sakin ni Axel.
Binatukan ko nga sya,
"Hahahahahaha! Umasa nga ang Gaga! Wag kang mag-alala ilalakad kita dun sa pinsan ko, sya nga yung i-interview-hin ko mamaya e." Dagdag nya."No thanks!" Sabi ko. Meron na 'ko no! Singer pa! Hahaha! Gusto ko sanang sabihin sa kanya kaso delikado e.
"Hahaha, wag ka nang pa-choosy! Mabait naman yang pinsan ko." Panunukso nya.
"Wag mo nga akong ibugaw! Kasuhan kita dyan ng human trafficking e!" Sabi ko. Natatawa na ako pero pinipigilan ko.
"Ay, kakasuhan mo ako...
Pero yung mga bully, ayaw mong kasuhan. Kaloka to!" Sabi nya.
Natahimik lang ako, nakita ko na patingin-tingin dito yung lalaking nakita ko sa loob ng Art Gallery. Malamang namumukhaan nya ako.
Magkaibang grupo yung pinsan ni Axel at yung lalaki. Ganito ba talaga ang basketball? Nakakatakot?
Nakakatakot kasi yung laban, parang beastmode yung lalaking nakita ko sa Art Gallery. O sya lang talaga ang gigil sa game? Hahaha.
Sige, matyag pa more! Dapat mas marami pa akong masulat sa reaction paper ko.
Hanggang natapos yung game, talo yung pinsan ni Axel. Hahaha. Yan kasi!
Interview time!
"Galing mo, Cous!" Sabi ni Axel sa pinsan nya. Naka-ngiti ito samin.
"Talo nga e...
Ba't ka nga pala nandito?" Tanong nung pinsan nya. Mukha naman palang mabait. Tumingin ito sakin, tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Weirdo!
"Para sa reaction paper...
Oo nga pala, si Cj. Ang kaisa-isa kong bestfriend dito." Pagpapakilala sakin ni Axel. Ngumiti lang ako. Tumango naman ito sakin.
"Single yan." Pahabol ni Axel, nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. Siniko ko nga sya.
Tapos napatingin ako sa sapatos ko. Nakakahiya!
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...