*Chris Jay's POV*
Binilhan nila ko ng mga bagong damit...
May sapatos din...At higit sa lahat...
Isang bagong Phone.
Pero...
Bakit ganun?
Hindi ako masaya?"Tara na...
Uwi na tayo." rinig kong sabi ni Storm samin.
Agad naman akong napatingin sa relo ko...
8:26PM
Magsasara na din tong mall.
Nauna na si PJ sa parking lot... Kung saan naka-park yung motor ni Storm.
Parehas na kami ni Storm na may dalang pinamili.
Naramdaman ko nalang na lumapit sakin ng bahagya si Storm habang naglalakad kami.
"Chris...
Alam kong masakit... Pero wag mo naman sanang iparamdam kay Jay yun...
Kanina pa sya nag-aalala sayo." nagulat ako sa sinabi nya...
Maging si PJ ba, nararamdaman ang nararamdaman ko?
Umiling lang ako kay Storm.
Kahit halatang halata naman na kanina pa ko tulala.Bakit ba kasi ganun si Ivan?
Akala ko ba mahal nya ko?
Akala ko ba cool off lang?
E bakit pakiramdam ko, lumalayo sya sakin?
Pakiramdam ko, tinatakasan nya ko...
Yung parang walang nakaraan samin?
Yung parang hindi nya ko kilala?
Pinapatay nya na ko.
Hindi ko na kaya.
Hindi ko na sya maintindihan...
Naguguluhan na ko...
Pero mahal na mahal ko sya.
Kahit sobrang sakit na.
Sumakay na kami ng motor.
Si PJ nasa harapan ni Storm... Habang ako nasa likod ni Storm.
Si PJ kasi naka-hawak sa mga pinamili namin...
Di naman big deal sakin ngayon kung nasa harapan ko si Storm... Dahil isa lang ang nararamdaman ko, nanghihina ako...
Yung parang nararamdaman kong unti-unti akong namamatay.
Bakit ba ginagawa sakin si Ivan to?
Ano bang kasalanan ko?
Sabi kasi nya kailangan ko lang maging malakas...
Pero bakit pinaparamdam nya na hindi na nya ko kailangan.
Ang pinapanghawakan ko nalang ngayon ay yung sinabi nyang 'Mahal nya ko'.
Hanggang ngayon, napapaisip ako kung toto-
"Chris...
Umusog ka palapit sakin." rinig kong sabi ni Storm. Bago nya paandarin yung motor.
Sumunod nalang ako kaya dumikit ang katawan ko sa katawan nya.
Pero nagulat nalang ako dahil hinawakan nya ang kamay ko at pinayakap nya sa katawan nya.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...