Chapter 39 - It's Killing Me

7K 307 126
                                    

*Chris Jay's POV*

Masakit ang mga mata ko...

Di ko pa ito mai-dilat.

Siguro dahil sa walang tigil na pag-iyak ko kagabi.

Ang huli kong tanda, nagsawa na ko sa kakaiyak at...

Teka?

Oo, kausap ko pa si Storm nun.

Ang alam ko, sa kanya ko sinabi ang lahat ng nasa loob ko.

Natatandaan ko din na binuhat nya ko papunta sa kwarto ko...

Nagising ako nun at...

Sinabi kong wag nya kong iwan.

Pakiramdam ko kasi...

Mawawala ako.

Mamamatay ako.

Mamamatay ako sa pakiramdam na parang buong mundo, iniwan ako.

Siguro, dapat tumatak na sa isipan ko na...

Wala talaga.

Wala na talaga.

Na kahit minsan, wala nang magmamahal sakin ng totoo.

Dahil lang sa p*nyetang normal na buhay na yan.

Diba dapat masaya pag-kasama mo yung taong mahal mo pagtumanda ka?

Tapos ayun na yung sinasabi nilang normal na buhay.

Kagaya nga ng sabi ni Kuya Clark.

Sana...

Sana may mga tao pang kagaya ni Kuya Clark kung mag-isip.

Haaay! Siguro dapat ko nang bitawan...

Bitawan ang saamin ni Ivan...

Dahil aminado ako na...

Hanggang ngayon, umaasa ako na magkaka-ayos pa kami.

Wala e, mahal ko talaga sya.

Masisisi nyo ba ko? Nagmamahal lang ako.

Nakakalungkot lang dahil...

Pinaglaban ko si Ivan, kahit sa huli...

Pinilit kong ipaglaban sya.

Pinaglaban ko sya, kahit ang sakit-sakit na.

Teka? Anong oras na ba?

Agad kong idinilat ang mga mata ko...

Teka? Sino to?

Agad kong inalis ang pagkaka-patong ng ulo ko sa...

Sa...

Dibdib nya.

Pag-alis ko ng ulo ko...

Napansin ko na...

"Aaaaaaaahhhhhhhh!" sigaw ko dahil sa gulat.

Agad naman nagising si Storm at patingin-tingin sa paligid.

"Bakit ka sumisigaw?" taranta nyang sabi sakin.

Tinuro ko sya.

"Anong ginawa mo sakin?" taranta kong balik ng tanong sa kanya.

Dahil...

Nakita ko na...

Naka-topless ako, at maging si Storm ay ganun din.

"Wala." casual nyang sagot pero agad lumabas sa labi nya ang ngiting nang-aakit.

Na parang pag-ikaw nginitian nito, mapapa-hubad ka nalang ng damit.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon