Chapter 57 - Mysterious Gift

6K 259 87
                                    

*Chris Jay's POV*

Hindi ako nakagalaw.

Napasandal lang ako sa lababo, habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Buti wala sila Mam Grace dito, dahil kung nagkataon...

Ako ang malalagot at ako ang masisisi.

Tinignan ko si Adrian, kalmado lang sya na parang wala lang sakanya yung sinabi ni Storm.

Pagtingin ko naman kay Storm, para syang dragon na handang sumalakay.

Naka-lukom din ang kamao nya na nanginginig pa sa galit.

Napakagat ako ng labi ko.

Natatakot ako kay Storm, kilala ko sya noon pa man.

Alam ko kung pano sya magalit. Lalo na kung patungkol sakin.

"Bro...

Layuan mo si Chris!" mahinahong sabi ni Storm, pero para sakin...

Para itong lason na nakakamatay.

"Woaaw! Easy lang Bro! Wala namang magagalit pag-ginalaw ko sya." maangas na sabi ni Adrian.

Bakit ganyan sya? Kung bastos magsalita si Storm, mas bastos sya.

Alam mo yung parang tigang na tigang sya.

Akala ko hanggang salita lang sya pero...

Nagulat ako nung bigla nyang hinimas ang harapan ko.

Sa gulat ko, nanlaki ang mata ko at inalis ko agad ang kamay nya.

Bago ko sya naitulak palayo sakin.

"Hayop ka!" sigaw ko sakanya.

Pero bago ko pa matapos ang sinigaw ko sakanya...

Nakita ko si Storm na lumapit sakanya at...

Sinuntok sya sa mukha.

Alam kong masakit yun kasi rinig ko pa yung pagtama ng kamao ni Storm sa pisngi ni Adrian.

"G*go ka! T*ng ina mo! Binalaan na kitang g*go ka!" sigaw sakanya ni Storm.

Nakita ko naman na hawak ni Adrian ang mukha nya.

Akmang susugurin sana sya ulit nung pinigilan ko si Storm.

Napahawak ako sa braso ni Storm para lang pigilan sya.

"Chris, lumayo ka muna...

Di pa kami tapos nitong g*gong to." sabi sakin ni Storm.

Maging ako, natatakot sa boses ni Storm. Matigas ang braso nya na parang kargador sa palengke, galit nga talaga sya.

"Bro, bakit ba galit na galit ka?

Bakla lang yan, pwede ko munang parausan...

Tyak matutuwa pa yan." kabastusang sabi ni Adrian.

Di ko alam pero naiiyak ako sa sinabi nya.

Binitawan ko si Storm, lumapit ako kay Adrian at sinuntok sya sa mukha nya.

Ramdam ko yung galit ko. Kaya di ko na napigilan ang sarili ko.

Hindi porket bakla ako, kabastos-bastos na ko.

"Tarantado kang bakla ka ah!?" akmang susugurin sana ako ni Adrian ng biglang humarang sakin si Storm at itinulak ng malakas si Adrian.

Napalayo ng husto samin si Adrian.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon