*Chris Jay's POV*
'SOGO'
Yan ang nabasa ko, dito kami pumunta ni Ivan. Alam ko na kung ano ang balak nyang gawin.
Hindi naman talaga dapat kami dito pupunta...
Kaso...
Wala e.
"Sigurado ka na ba?" tanong ko sa kanya.
"Teka? Di ba dapat ikaw ang tinatanong ko nyan?" sabi naman nya sakin.
"Ikaw ang nagdala sakin dito, ikaw ang nakaka-alam kung kaya mo." sabi ko naman. Naninigurado lang. Mamaya kung ano pa ang mangyari.
Lumapit sya sakin at...
Bumulong.
"Syempre, kayang kaya ko." bulong nya sa tenga ko.
Sa ginawa nya, kinilabutan ako. Bakit? Ewan.
Maya-maya,
"Huuuhhh!" paglabas ng hangin sa bibig nya."Dahan dahan lang kasi." sabi ko naman sa kanya. Madaling-madali naman kasi sya.
"Aww." sabi ko.
Agad naman nyang hinawakan ang pisngi ko.
"Ayos ka lang?" nagaalala nyang tanong sakin.
Ngumiti lang ako sa kanya. Kahit kelan talaga, nag-aalala sya sakin.
"Nakagat ko lang ang dila ko." sagot ko. Totoo naman e.
"Gusto mo pa ba?" tanong ko sa kanya, baka kasi hinahanap na ako sa bahay.
"Ayaw mo na ba?...
Sige, bibilisan ko nalang." sabi nya, pero nakita ko na nalungkot sya.
"Wag mong bilisan...
Enjoyin lang natin." sabi ko sa kanya ng nakangiti.
"Paubos na din naman ang sakin e." sabi ko sabay tingin sa kinakain kong kwek-kwek.
Pagtingin ko kay Ivan, nakangiti sya. Teka?
"Bakit ka naman nakangiti ng ganyan?" tanong ko sa kanya.
"Naalala ko lang kanina nung dinala kita dito...
Hindi kaya maipinta ang mukha mo...
Akala mo siguro, papasok tayo dun." sabi nya sabay turo sa kadikit namin na building.
"E kasii..." nahihiya kong sabi. Sabay tingin ulit sa kinakain ko.
Bakit ba kasi sa tabi ng isang motel nakalagay itong kwek-kwekan?
Nahihiya tuloy ako, syempre natakot lang ako. Ahaha.
"Hindi naman tayo dyan magpapaligaya e...
Gusto ko sa bahay namin." sabi nya. Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya, kaya agad ko syang kinurot sa tagiliran nya.
Alam kong pino yun kasi hindi ko na maintindihan yung tawa ni Ivan kasi halos mamilipit na sya sa ginawa ko.
"Loko ka talaga!" sabi ko.
"Pero...
Palpak talaga ako!" sabi nya. Oo nga pala, palpak ang plano nya ngayon.
Hindi naman talaga dapat kami dito pupunta e.
Somewhere in Rizal nya daw dapat ako dinala para daw mamangka...
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...