Chapter 1 - Mysterious Eyes

25.2K 593 65
                                    

*Chris Jay's POV*

"Aaaarrrrggghhhhh!" Sigaw ko sa sakit.

Naramdaman kong may mabigat na bagay na tumama sa likod ko. Halos mamilipit ako sa sakit.

"Baklaaaa! Bakla! Ay, Baklaa!" Asar sakin nung kasama nya.
Napayuko nalang ako, ayoko syang pansinin.

"Loko ka ah!" Akmang tatayo sana si Axel pero pinigilan ko.

"Axel, wag na. Hayaan nalang natin sya." Pakiusap ko.

Pero parang wala syang naririnig dahil tumayo sya, "Please, ayoko ng away." Pakiusap ko ulit.

Tsaka nya ako nilingon, nagkunot ang noo at bumalik sa pagkakaupo.

"Lipat na tayo ng pwesto." Sabi ko, napabuntong hininga nalang sya sa sinabi ko.

Andito na kami sa isang pwesto, malayo sa lalaking yun.

"Cj....

Last na yun, last na yung pagbibigyan mo sila." Bungad na sabi sakin ni Axel.

Tinignan ko lang sya.

"Ano? Ganyan ka nalang? Hanggang dyan ka nalang?" Mahinahon pero mabigat na pagkakasabi nya.

"Hindi ko na sila papatulan dahil...

Mas lalo lang si-" pinutol nya ang sasabihin ko.

"Dahil mas lalo ka lang nila pagi-initan?...

Ano ba, Cj!

Pa-minsan minsan kahit papano lumaban ka din...

Tignan mo ako, ako ba hindi ko naranasan ang mga yan? Pe-" pinutol ko naman yung sasabihin nya.

"Hindi tayo magkaparehas...

Iba ka, Iba ako." Mahinahon kong sabi sakanya.

"Pero pwede mo naman gawin yun." Sabi nya na parang wala na syang maisagot.

"Hindi ako matapang gaya mo....

At kahit naman maging matapang ako, ako parin ang talo sa huli." Sabi ko sa kanya.

Nakita ko na napahilamos nalang sya sa mukha nya dahil sa tigas ng ulo ko.

"Haaaay! Wag kang aalis dito, bibili lang ako." Sabi nya at tuluyan na akong iniwan.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon