*Chris Jay's POV*
"Cj...
Pinapatawag ka daw sa Guidance Office." kinakabahang sabi ni Axel sakin.
Parang sakit na lumipat sakin ang kaba nya.
Hindi ko alam ang gagawin ko, bakit naman ako pinapatawag sa guidance? Wag naman sana.
I heard about the news... Don't worry, I'm here. I'll stay by your side. <3
From: Babe ;)Yan ang text sakin ni Ivan habang papunta ako sa guidance. Dahil sa text nya, nabawasan ang kaba ko.
Pero habang papalapit ako sa office, parang umaangat ang paa ko... Parang hindi ko ito nararamdaman sa sobrang kaba ko.
At..
Ito na, nasa tapat na ako ng pinto.
Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob.
"Chris Jay Cruz?" tanong sakin ng isang Student Assistant. Tumango ako bilang tugon.
"This way po." sabay turo ulit sakin papasok sa isa pa ulit na pinto.
Kinakabahan ako, pero nagtaka ako... Andaming namang pinto.
Mas lalo akong nagulat nung...
Pagpasok ko ng pinto...
Isang tao ang naka-ngisi sakin at isang tao na walang emosyong nakatingin sakin.
Kahit nakangiti sakin si Kevin, hindi ako sa kanya nakatingin...
"J-jeff." yan lang ang nasabi ko.
-
"Cj...
Kain ka na." malungkot na pagkakasabi sakin ni Axel.
Tinignan ko lang sya at naptingin ulit sa kinakain ko.
Maya-maya, may lumapit sakin at niyakap ako.
"Hindi pa kumakain yan...
Simula nung lumabas sya sa guidance, Nakatulala na sya." rinig kong sabi ni Axel kay Ivan.
Hinimas-himas naman ni Ivan ang likod ko habang yakap ako.
"Babe...
Ok lang yan...
Andito ako, hindi kita iiwan." sabi nya sakin. Pagkabitaw nya ng yakap sakin, tinignan ko ang mukha nya.
Nakangiti sya sakin, na parang sinasabi na...
'Kaya mo yan. Everything will be fine.'
At dun...
Dun tumulo ang luha ko, na kanina ko pa pinipigilan.
Agad namang pinupunasan ni Ivan ang luha ko.
"Ssshhh... Andito ako." pagpapakalma nya sakin.
Naramdaman ko naman na hinihimas ni Axel ang likod ko.
"Cj...
Andito kami. Hindi ka namin papabayaan. Kasama mo kami." sabi nya sakin.
Oo, sila lang ang meron ako.
Hindi ko lang lubos maisip na ganito ang kahahantungan ko.
Eto ba?
Eto ba ang kabayaran sa kasiyahan ko?
Dun ko na sinabi sa kanila yung sinabi sakin sa guidance.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...