Chapter 48 - Some Memories

7.1K 299 64
                                        

*Chris Jay's POV*

Naka-sakay na ko ng Jeep pauwi ng mansion.

Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala.

Nalilito ang isip ko.

Hindi naman ako manhid para hindi ko maramdaman na iba...

Iba ang pagtingin sakin ni Jeff.

Hindi ako tanga, alam ko ang pinapahiwatig nya.

Bakit?

Bakit ako?

Bakit ba ako?

Bakit sa dinami-dami ng tao at babae sa mundo...

Ako pa?

Ako pa ang nagustuhan nya.

Hindi naman ako babae.

Isa lang akong simpleng bakla na gustong lumimot sa masasakit na pinagdaanan ko.

Isa lang akong tao na madaling masaktan at lokohin...

Bakit ba kasi ako?

Hindi ko napasin na andito na pala ko sa bababaan ko.

"Kuya, tabi lang po." sigaw ko sa driver.

-

Habang naglalakad ako sa loob ng village.

Ang gulo ng isip ko.

Tama na!

Bakit ba ginaganito nila ko?

Haaay! Chris, hindi pa naman umaamin ng diretso si Jeff sayo kaya wag kang mag-isip ng kung ano dyan.

Pero kasi...

Alam ko yung patutunguhan ng mga sinasabi ni Jeff.

Ganyan na ganyan sakin si Storm noon... bago ko binigay ang buong pagmamahal ko sakanya.

-FlashBack-

Sinabi ko kay Tita na kung pwede hindi na ko pupunta dito sa village nila.

Matapos na kong mapahiya dito.

Pero pinilit ako ni Tita kasi tutal babalik na sya ng ibang bansa sa susunod na buwan.

Habang naglalakad ako papunta sa bahay ng tita ko...

Nakasalubong ko nanaman sya.

Yung bwiset na SL na yan!

Nasalubong ko yung ngisi nya sakin.

Alam kong may binabalak nanaman sya saking masama.

"Oh? Di ka parin nadala?" tanong nya sakin.

Alam ko yung tinutukoy nya...

Yung nangyari nung nakaraang araw.

Binalak ko kasing sumali sa mga naglalaro ng basketball...

Tapos dumating sya...

At...

Sinira ang pagkatao ko sa mga lalaking naglalaro.

"Ano bang kailangan mo sakin?" sabi ko sakanya. Nangingilid na ang luha ko dahil naaalala ko yung nangyari.

"Wala." cool nyang sagot sakin.

"Wala naman pala e! Pwede bang tigilan mo na ko!" sigaw ko sakanya.

"E pano pag-ayaw ko?...

Nage-enjoy nga ko e." sagot pa nya. Sabay tawa nya sakin.

Biglang may dumating na lalaki, isa sya sa mga naglalaro ng basketball nung nakaraang araw.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon