*Chris Jay's POV*
Simula nung in-accept ko si Jeff sa friend request ko. Hindi na ako mapakali. Dahil...
Ang tanga ko!
Nakalimutan ko na...
Nakalagay pala sa profile ko yung....
Phone number ko.
"Kahit hindi ka mag-reply, alam ko na eto ang number mo. HaHaHa!"
Text message sakin ni Jeff.Ayan ang katangahan ko, dahil mas binigyan ko ng pagkakataon si Jeff na pumasok sa buhay ko.
Ilan lang yan sa text ni Jeff magmula nung umuwi ako galing school.
Magpalit kaya ako ng Sim?
Biglang nagring ang phone ko, at nakita kong si Jeff ang tumatawag.
Ano nanaman ba ang pakulo nya? Ang tanga ko kasi eh, bakit ko ba sya inaccept?
Ah! Oo nga pala, mas naisip ko kasi na mahalaga ang buhay ko kesa sa account ko.
"Sagutin mo, Bakla!"
Text nya matapos nung hindi ko sinagot yung tawag nya.Tapos tumawag ulit sya. Lahat ba ng pinagtitripan nila ginaganito nila?
"Ginagalit mo talaga ako ah!"
Text nya matapos hindi ko ulit sagutin.Nako? Ano na ang gagawin ko? Bahala na si Wonder woman. Teka? Baklang-bakla ako dun ah? Bahala na nga si Batman. Ayun, ayos yun.
Agad ulit syang tumawag at...
At..
Nanginginig akong sinagot ito.
Jeff: Haaay, akala ko kailangan muna kitang takutin.
(Hindi ako nagsasalita, ano bang sasabihin ko?)
Jeff: Why so afraid? Hindi naman ako nangangagat, nangangain lang. HaHaHaHa.
(Mas lalo akong hindi nagsasalita)
Jeff: Gusto ko lang malaman mo na, ako na ang boss mo. At dahil ako ang boss mo....Gagawin mo ang iuutos ko.
(Aba! Ang kapal ng mukha nito ah? Boss ka dyan? I don't need a boss.)
Jeff: Gawin mo ang assignment ko.
(Kapal talaga nito, hindi ba sya nahihiya dahil parang wala syang kausap?)
Jeff: Alam kong nandyan ka, naririnig ko yung paghinga mo. Alam kong kinakabahan ka.
(Eto ang isang bagay na dapat mabigyan nya ng kasagutan)
Me: Jeff, bakit ba ako? Bakit ba ako ang napili nyo?
(Hindi sya nagsasalita)
Toooot..Bastos to ah? Kinakausap ko pa sya tapos biglang papatayan ako.
Pero mabuti na yun para hindi ko na kausapin ang demonyo.
Pagkausap ko sya, pa-cool pa sya. Pero ang totoo, demonyo sya.
Pero kailangan kong mag-computer dahil baka sa facebook ko sinend yung assignment nya.
Kahit masama sya sakin, Oo! Totoong masama sya. Pero gagawin ko parin yung assignment nya para naman maisip nya na mabait akong tao para tigilan na nila ako.
Sabi nga nila, para mabunot mo ng buo ang isang puno at walang matira. Kailangan mong bunutin sa ugat. At si Jeff ang ugat ng grupo nila.
Kailangan maumpisahan ko ang pakikipag-ayos sa grupo nila para tigilan na nila ako.
That's my plan, for now.
Binawasan ko ang baon ko para sa isang linggo para lang mag-computer.
Isang oras lang ako dahil may kamahalan din ang pag-rent.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...