*Chris Jay's POV*
-True Colors version of Justin Timberlake and Anna Kendrick-
"...♪And I'll see your true colors
Shining through...I see your true colors...
And that's why I love you.....
So don't be afraid...
to let them show...Your true colors,
True colors are beautiful...Like a rainbow...♪" pagkanta ni Pj.
Grabe, ang kyut-kyut talaga ng baby ko. Konti nalang talaga...
Isisilid ko yan sa bag ko at iuuwi ko sa bahay namin yan. Hahahaha
Iba talaga pagkumakanta ang bata, nakaka-good mood.
Nagbi-videoke kami ngayon. Tutal tapos na magbigayan ng regalo.
Marami na kong nakanta na request nila. Nahihirapan na nga ko kasi baka bukas paos na ko. Mahirap din pala kung alam nila na kumakanta ka.
Pero ok lang, masaya naman ako na sila ang kinantahan ko.
Nakakatawa nga pagsila Nanay ang kumakanta, mga old songs kasi kinakanta nila...
Yung mga, tubig at langis... Ganun. Hahahaha
Pero may pinili akong kanta na gusto ko talagang kantahin kay Storm.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.
Kinakabahan ako.
Dahil alam kong kakantahan ko si Storm.
Nasa pagitan ako ni Pj at ni Storm, habang nasa ibang upuan naman sila Nanay.
Nararamdaman ko minsan na hinahawakan ako sa bewang ni Storm, aminado naman ako na kinikilig ako pero...
Iba na kasi ang usapan pag nandito yung mga magulang nyo. Hahahaha.
Oo, ok lang kay Nanay yung patungkol samin ni Storm. Pero kasi...
Kay Mam Grace?
Syempre, sino ba namang magulang ang gugustuhing hindi maging normal ang buhay ng anak nya?
Sigurado na si Storm ang papamanahan ng mga negosyo nila tapos...
Malalaman lang nila na ganito si Storm ng dahil sakin?
Syempre, natatako-
"Uy, mukhang malalim yang iniisip mo ah?" gulat ako nung biglang bumulong si Storm.
Nilingon ko sya.
"Yung isang kwarto ko ba ang iniisip mo?" tanong nya.
Ay oo nga pala! Isa din yan sa iniisip ko.
Bakit parang pakiramdam ko, napaka-confidential yang kwarto nya?
Ano bang meron dun?
May mga bagay ba na dapat akong malaman patungkol sakanya?
Sa pagkakasabi nya kasing... "Gusto kong makilala mo, kung ano ba talaga ko." medyo kinabahan ako.
Pano kung mamamatay tao sya? Pwede din yun, nirape nga nya ko noon e.
"Uy? Magsalita ka naman... Hahalikan kita dyan!" pagbabanta ni Storm.
"Tumigil ka nga, baka gusto mong mapatay tayo ng Mommy mo." sabi ko pa sakanya. Tumawa lang sya.

BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Novela JuvenilSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...