Chapter 64 - Skepticism

4.9K 256 139
                                    

*Chris Jay's POV*

"Sa tingin ko, dapat wag ka nang makipagkita sa sinasabi mo...

Malakas ang pakiramdam ko na guguluhin lang kayo nyan." biglang sabi ni James sakin.

Andito kami sa pool area para sa training namin. Nasabi ko na kay James yung tungkol dun sa text nung isang araw.

Hanggang ngayon kasi naguguluhan pa ko kung makikipagkita ako kay Sam.

"Ginugulo na nga ako e. Andaming bumabagabag sa isip ko...

Kaya siguro mas maganda kung makikipagkita ako para matigil ang lahat ng ito." sagot ko naman.

Buti may nakakausap ako. Lalo na about kay Sam. Di naman kasi pwede na si Axel ang kausapin ko kasi pinsan nya yun.

Malamang dun sya kakampi.

"Sabagay, wala naman akong magagawa sa desisyon mo. Kung sa tingin mo makakatulong yan, edi makipagkita ka." sagot naman sakin ni James.

Buti nalang andito si James na nakakausap ko. Para kahit papano, natutulungan ako sa pagiisip ng kung ano-ano.

Nakakatuwa nga si James kasi halos lahat ng problema ko sakanya ko nasasabi. Ewan ko ba, pakiramdam ko katiwa-tiwala syang tao.

Bukod sa magaling sya magbigay ng payo, sya pa minsan yung nagbibigay linaw sa iniisip ko.

Pag training, si James ang lagi kong kasama. Kaya sya lagi ang nasasabihan ko ng problema ko.

Believe nga ko sakanya kasi hindi sya nangungulit kung sino yung mga taong tinutukoy ko sakanya.

Yes, hindi ko pinapangalanan sila Storm sakanya. I know kasi na same course sila ni Storm at ayoko naman na mag-iba yung pakikitungo nila kay Storm.

Oo, di out si Storm about sa gender nya. Lalo na sa department nila. Naiintindihan ko naman yun. Kaya pagnasa school kami, tuwing papasok at uwian lang kami nagkakasama ni Storm.

"Alam mo...

Mahal na mahal mo talaga yang boyfriend mo noh?" dagdag ni James.

Ngumiti naman ako sakanya, ewan ko pero natuwa ako nung narinig ko yung term na boyfriend.

"Di ko pa naman sya boyfriend. Pero pano mo naman nasabi?" tanong ko.

"Kita mo? Di mo pa nga sya boyfriend pero sya na ang lagi mong iniisip...

Ibigsabihin, mahal na mahal mo sya." sabi ni James.

Tapos tumayo sya at naglakad papunta sa mga gamit namin.

"Napakaswerte nya...

Napakaswerte nya sayo, alam mo ba yun." yun lang ang narinig ko nung naglalakad sya.

Ewan ko pero...

Nakaramdam ako ng awkwardness.

Tumayo din ako at sinundan sya papunta sa mga gamit. Parehas pa kaming tumutulo dahil parehas kaming basa.

Tumabi ako sakanya...

Tahimik.

Walang nagsasalita.

Mga ilang minuto din bago sya nagsalita ulit.

"Magpe-perform nga pala kayo diba? This coming week?" pambasag nya sa katahimikan.

"Oo, punta ka ah?" pagiimbita ko sakanya.

"Oo, pupunta ko...

Sige, mauna na ko maligo. May class pa ko e." sabi pa nya bago nya kunin ang mga gamit nya at tumayo ulit.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon