*Storm Luis's POV*
Hindi ko alam ang nararamdaman ko...
Pero ang alam ko, napaka-tanga ko!
Nagpadalos-dalos ako sa mga desisyon ko.
Muli kong tinignan si Chris sa tabi ko...
Naka-baluktot ang hubad nyang katawan habang nakatali ang mga kamay nya...
Marami ding pasa sa katawan nya, habang namumula ang katawan nya.
Nadudurog ang puso ko.
Bakit ko ba nagawa sakanya to?
Dali-dali akong tumayo at nagbihis, maging ako kasi... Nakahubad din.
Alam ko yung nangyari kagabi...
At ayun ang isang bagay na nagpapabigat sa kalooban ko.
Mahal pala ako ni Chris...
Ako pala ang pinili nya, pero...
Anong ginawa ko?
Sinaktan ko nanaman sya, wala na kong nagawang tama sakanya.
Tumulo ang luha ko...
Sakanya lang ako nagkakaganito... Yung pakiramdam na pinapatay ko ang sarili ko.
Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko!
Hindi ko mapigilan pero pinagsusuntok ko ang pader ng cr ko.
Dun ko nilabas ang galit ko sa sarili ko...
Dumudugo na ang kamao ko pero...
Wala akong nararamdamang hapdi sa kamay ko...
Nararamdaman ko lang yung sakit na idinulot ko kay Chris.
Hanggang sa mag-sawa ako sa ginagawa ko.
Muli akong lumapit kay Chris.
Tulog parin sya habang tinatanggal ko ang mga tali sa kamay nya.
Binihisan ko sya.
Nakita kong wasak ang t-shirt nya sa lapag kaya kumuha ako sa closet ko.
Ramdam kong mainit ang katawan nya nung tumabi ako sakanya at niyakap sya.
Isinandal ko ang ulo nya sa dibdib ko...
Medyo nalagyan ng dugo ang damit nya dahil nagdudugo padin ang kamao ko.
Kailangan kong ipaliwanag sakanya ang nangyari kagabi.
Alam kong suntok sa buwan ang gagawin kong paghihingi ng tawad sakanya pero...
Ayoko syang mawala sakin.
Napaka-tanga ko kasi.
Ngayong mahal na nya ko ulit... Ngayon pa ko nakagawa ng pagkakamali.
G*go ka, Storm!
Napaka-g*go mo!
Tinignan ko ang mahimbing nyang pagtulog...
Nasasaktan ako.
Ipinangako ko sakanya na hindi ko sya sasaktan pero...
Anong ginawa ko?
Arrrgghh!
Dapat hindi ko pinangunahan ang mga pangyayari...
Para hindi nangyari ang lahat ng ito.
Pero wala na...
Nangyari na.
Nasaktan ko nanaman sya.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...