*Chris Jay's POV*
Andito kami ngayon sa dinning area, kumakain kami ng lunch.
"Cj, next time..
Wag kana tumulong sa pagluluto ni Nanay Lita..
Di ka naman kasambahay dito.
Nabalitaan ko, naging kasambahay kana dati dito. Dati yun, pero iba na ngayon..
Wag kana magpakapagod dito, dapat kumportable ka lang." biglang sabi ni Jayson. Ewan ko ba, kahit kelan di ko sya matatawag na tatay.
Napatingin naman sila sakin.
Nasa harap ko si Storm katabi nya si Tita habang si Pj naman ang katabi ko. Si Jayson, naka-upo sa pang padre de pamilya na silya.
"Okay lang po yun, mas okay po na nakakatulong ako kay Nanay Lita..
Mas hindi po ako magiging kumportable pag di po ako kumikilos dito sa mansion." sagot ko naman.
"Alam ko nasanay kana na kumikilos dito, pero iba na ngayon..
Anak kita, dapat masanay kana dun." pagkontra nya sakin.
Kung ganun po ang gusto nyo, aalis nalang ako.
Syempre sinabi ko lang yun sa isip ko.Iba talaga ang ugali nitong Jayson na 'to. May pagka-mayabang..
Ewan ko ba kay Nanay bakit pinatulan nya to.
Oo, may hitsura sya.. Gwapo sya sa age nya. May pagkahawig sila ni Storm..
Syempre, sa paningin ko.. Si Storm ang pinaka-gwapo.
Naputol ang pagiisip ko nung napansin ko na nakatingin silang lahat sakin.
Baket?
Ay! Di pa pala ako nakakasagot kay Jayson.
"Magagaan lang din naman po ang trabaho dito..
Okay lang po talaga sakin na magkikilos dito." pagkontra ko.
"Hayaan nalang po natin si Chris, Dad." rinig kong sabi ng bebe ko ay este kuya ko.. Pero love ko.. So bebe ko parin.
Haay! Ang gulo gulo!
Hanggang ngayon, di ko parin alam ang mga mangyayari dito. Pero wala na sakin yun, basta nakikita ko si Storm.
"Sige, mukhang di ka magpapatalo sakin..
Basta yung magagaan lang ang gagawin mo, gusto ko kumportable ka dito." sagot ni Jayson.
Buti naman alam mo!
Di talaga ako magpapatalo noh!
"Kuya Cj!
Ang saya-saya ko talaga, natupad na yung isa sa dream ko!
Na dito kana talaga titira!" masiglang singit ni Pj sa tabi ko.
Bakas sa mukha nya na masayang masaya talaga sya na nandito ako.
Sabagay, kahit naman dati..
Lagi na nyang sinasabi sakin yan.
Mabait talaga si Pj.
Mukhang kay Tita Grace sya nagmana.
Napatingin naman ako kay Tita, masaya na naguusap sila ni Jayson.
Mabait nga talaga sya.
Kasi kung ibang tao talaga ang nasa sitwasyon nya ngayon, baka pinalayas na nya ko.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...