*Chris Jay's POV*
Asan si Storm?
Yan ang tanong na kanina pa umiikot sa ulo ko.Masaya pa kong gumising kanina para ipagluto sya ng soup na paborito nya tapos...
Wala pala sya ngayon dito sa mansion.
Alam ko sa sarili ko na...
Nalungkot ako, dahil wala sya ngayon.
Bakit naman sya umalis?
Saan sya pumunta?
Umalis sya ng walang paalam...
Pero teka!
Wala naman akong karapatan para mag-isip ng kung ano-ano dahil...
Hindi naman kami.
Ni-hindi ko nga alam kung ano ang meron samin...
Kung ano ba talaga ako para kay Storm.
Diba, dapat wala na kong pakialam kung saan sya magpupupunta dahil nga...
Wala namang kami.
Baka naman masyado lang akong nagiging OA kay Storm.
Haaay!
Ginagawa akong baliw ni Storm sa kakaisip ng kung ano-ano dahil lang sa pag-alis nya ngayong umaga.
Ayos naman kami ah?
Kagabi nga, kausap ko sya.
Sakanya ko kasi nilabas lahat ng sama ng loob ko dahil sa pag-tawag ni... Ivan kagabi.
Sabi pa nga nya, namimiss na nya kong magluto ng soup na paborito nya...
Kaya heto...
Pinagluto ko sya.
"Uy! Parang kanina lang masaya ka pa habang nagluluto ng almusal ah?" sita sakin ni Nanay Lita.
"May iniisip lang po." sagot ko naman.
"Ano naman iniisip mo? Kung bakit wala si SL ngayong umaga?" natatawang sabi ni Nanay Lita sakin.
Nagulat ako sa sinabi nya.
Pabiro ba yun? O talagang yun ang pinupunto nya.
Magsasalita na sana ako para i-depensa ang sarili ko kaso biglang nagsalita si Pj.
"Kuya Cj! Namiss po kitang kasabay kumain ng breakfast." singit ni Pj.
Hindi ko alam pero...
Napa-ngiti ako sa sinabi ni Pj. Yung parang nawala yung mga iniisip ko patungkol kay Storm dahil lang sa sinabi ni Pj.
Ginulo ko yung buhok nya at kinurot ko yung pisngi nya.
"Namiss din kita! Nagustuhan mo ba yung pasalubong ko sayo kagabi?" tanong ko kay Pj.
Ngumiti naman sya sakin ng ubod ng tamis.
Ang cute nya talaga, para syang si Storm na... Batang version.
Haaay, ano ba naman yan Cj! Puro ka nalang Storm!
"Opo! Masarap nga po e...
Ay Kuya Cj, nag-paalam po pala ako kay Mommy kagabi. Sinabi ko po na magmo-mall tayo ngayon...
Tapos pumayag po sya!" masiglang sagot nya sakin.
May isang bagay na pumasok sa ulo ko...
Dapat kong ituon ang sarili ko sa ibang bagay kesa sa kakaisip kung bakit umalis si Storm ngayon.
Kahit dati naman umaalis sya ng walang paalam pero ayos lang sakin...
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...