*Chris Jay's POV*
"Uy, friend!?
Okay lang ba talaga na nandito ako?" biglang sabi sakin ni Axel.
Nasa kusina kami, nakatalikod ako sakanya habang nagluluto ako na pwede naming ipangmeryenda.
"Oo naman! Bat mo naman naisip na hindi okay?" sagot ko naman.
"Kasi antahimik mo, simula nung pumunta ako dito...
Kilala kita friend, mukhang di maganda mood mo...
Okay lang naman sakin kung uuwi na ko." sabi naman nya.
"Siraulo!
Okay nga lang! Tsaka dito ka diba magdi-dinner?
Di naman ako sayo nababadtri-" bigla kong pinutol yung sasabihin ko. Nakoo! Nadulas ako!
"Ayyy!
Kung hindi sakin? Kanino pala?
Mukhang kay Roi ah? Bakit? Ano ba meron sakanya? Mukha naman syang mabait." sabi nya sakin.
Napaharap naman ako sa sinabi nya.
"Oy hindi ah!
Hindi naman ako inis sakanya." sagot ko naman.
Ngumiti lang sakin si Axel.
"Friend, sa tinagal na nating magkaibigan...
Kilala na kita! Nagseselos ka ba kay Roi? Hahaha! Nako, wag kana mag selos dun! Naalala ko nga yung isang pinagselosan mo din dati...
Sino nga yun?
Ah oo! Yung Hannah!
Pinagselosan mo din dati pero tignan mo, pinaglaban ka ni Papa SL! Ganda mo nga sa part na yun eh.
Friend, babae yon. Pero mas pinili ka ni SL kesa dun. So wag kana maging OA dyan." kwento ni Axel.
"Yun na nga e!
Babae yun. Pero mas pinili ako ni Storm dun. Di kaya into Bisexual or Gay talaga si Storm?
So may chance yung Roi na malandutay na yon?" sagot ko naman kay Axel.
Natawa sya sa sinabi ko.
"Hahahaha! Nakakatawa ka friend!
Sa huling pagkakatanda ko, naging ex mo na si SL...
And binalikan ka nya, meaning... Mahal na mahal ka talaga nya. So wag kana maging nega dyan!
Magtiwala ka kaya sa Jowa mo!" sermon sakin ni Axel.
Tama nga naman sya. And tama talaga ang kasabihan na pag single, magaling mag advise.
Napaisip ako sa sinabi ni Axel, tama naman talaga sya. Sa dami ng pinagdaanan namin ni Storm, ngayon pa ba ako magdududa?
Pero kasiii!
Di mawala sa isip ko na mairita sa Roi na malandutay na yun.
Unang kita ko palang sakanya, di ko na sya gusto.
"Friend, pwede ba dito ka matulog sa mansion ngayon?" sabi ko kay Axel.
"Hindi pwede! May pasok tayo bukas. Wala ako mga gamit dito.
Nako! Kung iniisip mo na gamitin ako para may kasama ka ditong napapraning dahil nandito yung pinagseselosan mo...
Hinde ako papayag!
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...