Chapter 93 - Nightingale

2.9K 127 190
                                    

*Chris Jay's POV*

Di ko alam ang gagawin ko.

Parang natulala ako sa nakikita ko. Di ako makapaniwala na...

Magagawa nya ito.

Iginala ko ang mga mata ko para pagmasdan ang paligid.

Tulog silang lahat.

At medyo madilim ang kwarto namin ngayon.

Natatakot ako. Nanginginig ang buo kong katawan. Ramdam ko yung bigat ng kamay nya na nakatakip sa bibig ko.

Nagulat nalang ako nung...

Isinubsob nya ang mukha nya sakin.

Dun ko naramdaman ang madiin nyang halik sa leeg ko.

May halo itong gigil at pagkasabik.

Di ko alam ang gagawin ko. Parang di gumana ang utak ko dahil sa gulat.

Wala akong lakas para kumilos.

Naririnig ko lang ang malalim nyang paghinga habang hinahalik-halikan ang leeg ko.

Amoy alak sya.

Napapikit nalang ako dahil sa nangyayari... Iniisip na sana panaginip lang ang lahat.

Pero hindi...

Naramdaman kong mas naging agresibo si Alex.

Gumapang ang kamay nya papunta sa dibdib ko pababa. At umabot ito sa harapan ko.

Biglang may pumasok sa isip ko...

Si Storm.

Doon ako natauhan. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

Inubos ko yung lakas ko para lang maitulak sya.

Kahit mabigat sya, nagawa kong maitulak sya palayo sakin.

Di ako nagsasalita.

Inisip kong sumigaw.

Inisip kong mambulabog sa mga natutulog para matulungan nila ako.

Inisip kong gumawa ng ingay para matigilan sya.

Pero naisip ko, ayaw kong magulo nanaman ang buhay ko.

Ayaw kong maranasan yung nangyari sakin noon...

May nanariwa sa alaala ko...

Si Kevin.

Yung ginawa nyang pambababoy sakin. Yung halos maligo na ako ng dugo dahil sa ginawa nya..

Yung halos magmaka-awa na ko sakanya para hindi nya ituloy.. Pero ginawa nya parin...

Nababoy nya ko. Na hanggang ngayon pinagsisisihan kong nakilala ko sya.

Maraming pumasok sa isip ko, ito yung mga bagay na pilit kong kinakalimutan.

Nabalot ng takot ang dibdib ko dahil sa alaalang pumasok sa isip ko.

Bakit ganito? Bakit ganito nanaman? Hanggang kelan ba ako makakaranas ng ganito?

Naaawa ako sa sarili ko.

Nakita kong nakatulala si Alex sakin. Mukhang nagulat sya nung naitulak ko sya.

Napaupo nalang ako...

Parang nanlambot ang katawan ko dahil sa gulat at trauma.

Napayuko ako.

Umiyak lang ako nang umiyak.

Andaming pumapasok sa isip ko...

Bakit ko ba laging nararanasan to?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon