Chapter 85 - Always You

2K 89 201
                                    

*Chris Jay's POV*

"So ano ang dapat nating pagusapan?" diretso kong tanong kay Roi na malandutay.

Andito kami sa isang area na bihira ang may dumadaan, maganda na rin yun para if ever di maganda ang kalalabasan ng paguuspaan namin...

Sasapakin ko nalang sya.

Ngumiti sya sakin. At sa ngiting yon, gumapang sa katawan ko ang pagkainis. Alam kong di maganda ang patutunguhan ng usapan namin.

"Ayoko na magpaligoy-ligoy pa...

Tungkol ito kay SL." yan ang sabi nya na nagpataas ng isang kilay ko.

"And?" tanong ko naman. Ewan ko ba pero nawala ako sa mood makipagusap sakanya. Naiirita lang talaga ko pagnakikita ko sya.

"Itatanong ko lang sana sayo kung in a relationship sya ngayon...

Tutal close kayo, so baka alam mo." tanong nya sakin.

"Bakit di nalang sya ang tanungin mo? Tutal feeling close ka naman sakanya." alam ko, di maganda ang sinabi ko. Pero di ko na kasi mapigilan. Tsaka ano ba kasing mapapala nya pagnalaman nyang in a relationship si Storm?

Kumukulo talaga ang dugo ko sakanya.

Mas lumawak ang ngiti nya sa sinabi ko. Ang pangit mo, g*go!

"Teka nga...

Bakit parang nagagalit kana agad?

Ano ka ba ni SL?
Ano ba kayo ni SL?" ngiting aso nyang sabi sakin.

Isa nalang, masasapak ko na 'to. Pinipigilan ko nalang talaga ang sarili ko.

"Hindi na yun mahalaga...

At wala ka na dun pakialam." sagot ko. Naisip kong hindi na dapat ako makipagtalo sakanya. At hindi ko naman obligasyon na ipaliwanag sakanya kung ano ang meron samin ni Storm, bakit? Sino ba sya? Jowa ka ghorl?

Pero subukan lang nya ang pasensya ko, di ko mapipigilang sabihin sakanya ang totoo...

Pero alam kong hindi maganda sa part ni Storm yun. Dapat hindi ko sya pangunahan sa desisyon nya.

"Ah. Okay." sagot naman nya. Dun ko naisip itanong sakanya kung ano ang gusto ko talagang malaman.

"Bakit, gusto mo ba?" tanong ko. Akala ko magugulat sya sa tanong ko pero...

"Oo." sagot nya na nagpagulat sakin.

-

Buong class ko, naging busy ako.

Dahil nga late na ako pumasok this semester kaya kailangan ko maghabol sa mga lessons.

Maganda na din to para hindi ako magisip ng kung ano ano. Unahin ko na muna itong pag-aaral ko.

"Friend, pansin ko...

Simula kanina, tahimik kana dyan. May problema ba?" biglang tanong sakin ni Axel.

Umiling naman ako sa sinabi nya.

"Wala naman...

Busy lang talaga, kailangan kong maghabol... Malapit na kasi ang exam natin." sagot ko. Di ko naman palusot yun dahil totoo naman talaga.

"Sure ka?" paninigurado nya.

At tumango lang ako.

Mabilis na lumipas ang oras, siguro dahil talagang busy lang ako.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon