Chapter 54 - Need You

7.5K 295 80
                                    

*Chris Jay's POV*

Naglalakad na ko papunta sa isang basketball court dito sa resort.

Malaki nga talaga tong resort kasi may basketball court pa. Nandun daw kasi nagwa-warm up yung mga players.

May dala akong tumbler, may laman itong cold chocolate para kay Storm.

Yes, para kay Storm.

Ang alam ko kasi, di na sya nakapag-kape or gatas or chocolate man lang kasi humabol sya kanina.

Haaay, alam kong napuyat sya kagabi. At dahil sakin yun.

Kaya naisip kong bumawi sakanya ngayon.

May pa-cold cold chocolate pa ko pero Milo lang naman yun. Hahaha.

Para help beat energy gap. Beat energy gap.. Drink Milo everyday. Hahaha

Habang naglalakad ako, naramdaman kong may tumatawag sakin.

Pagtingin ko ng phone ko, si Axel lang pala. Sinagot ko ito habang naglalakad.

-call-
Axel: HOY! Asan ka? Bakit di ka pumasok? (Nakasigaw agad sya sakin)

Me: Asa laguna kasi ako e, grabe ka naman kung maka-sigaw. (Mukhang wala silang professor ngayon.)

Axel: Aba! May pasok pa po tayo, kung hindi mo alam. Ang aga mo mag-christmas break ah?

Me: Sinama kasi ako ni SL dito. May laban ang varsity ng basketball, kahit tanungin mo pa pinsan mo. Kasama nga namin dito yun e. (Mukhang nahanap ko na yung basketball court dito. Papasok lang ako sa isang pinto.)

Axel: Ay!? Kelan ka naging varsity ng basketball? Ang alam ko, swimming ka ah? Teka...
Wag mong sasabihin na ikaw ang muse nila? Ganda mo talaga, friend.

Me: Luh? Muse ka dyan! Kinidnap lang ako ni SL dito. Gusto ko ngang pumasok e, pano ko makukuha pamasko ko sayo? Hahaha!

Axel: Uy! Hindi mo ko ninong!

Me: Ninang?

Axel: Hell no! Nabu-bwisit lang ako sa mga nag-hahanap sayo dito. Alam mo bang kanina ka pa hinahanap ng Ex mo sakin? Pinakita ko na sakanya bulsa ko, sabi ko wala nga talaga.

(Natahimik ako.)
Bakit naman ako hahanapin nun? Maayos ang usapan namin na layuan nya muna ako ah? Si Storm lang ang taong sinabihan ko ng layuan ako pero aba'y ka-kulit!

Axel: Ano? Hello? Nanahimik kana dyan? Andaya mo talaga! Andami mong boys na kasama ngayon. Di mo man lang ako sinama, baka mamaya magpa-'rapbeh' ka dyan ah?

Me: Yuck! Sabi ko nga sayo, kinidnap lang ako ni SL para isama dito. (Papasok na ko ng basketball court.)

Axel: Aba! Ginalingan din talaga ni SL ah? Rap ba bes?

Me: Oh! Sh*t! F*ck!
(T*ngina! Halos lumuwa ang mata ko dahil sa nakikita ko.)

Napahinto ako ng lakad ko, nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakikita ko.

Lahat sila, nakatingin sakin. Muntikan ko na ding mabitawan ang dala-dala kong tumbler.

Axel: hello? Ano na nangyayari dyan? Ano bang nangyayari sayo?
(Rinig kong sabi sa phone ko.)

Nakalimutan kong kausap ko pala si Axel.

Me: Ah. Wait lang. Wait lang.
(Sabi ko kay Axel at agad akong naglakad palabas ng basketball court.)

Axel: Uy! Ano ba?

Me: Sh*t bes! Nakita ko sila! NAKAHUBAD!
(Pasigaw kong sabi kay Axel.)

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon