*Chris Jay's POV*
Storm Luis De Vera...
Waaaah! Ang sakit sa ulo!
Hindi ko maintindihan pero, natatakot ako sa kanya. The way he looked at me, the way he smiled at me, the way he talked to me.. Aarrgghh! Bakit ba sya ganun? Parang maraming balak na masama.
-FlashBack-
"Hi, I'm Storm Luis...
Nice to meet you... again." sabi nya na ikinabigla ko.
Napatulala ako sa kanya, di ako nakasagot kaagad. Ano ba dapat kong sabihin?
"H-he-hello? I'm C-Chris Jay." utal-utal kong sabi sa kanya. Ngumiti sya sakin. May kung ano sa ngiti nya na hindi ko maintindihan, pero pakiramdam ko hindi maganda to.
"So...
Bakit ka nga pala, magwo-work dito?" cool nyang tanong sakin.
Kinakabahan ako, nag-wawala ang dibdib ko. Parang hingal na hingal ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Mas kinabahan ako dahil umupo sya sa sofa at tumabi sakin.
"Ah e...
Kailangan ko po kasi para sa pag-aaral ko." paliwanag ko. Salamat naman at hindi na ako nauutal. Pero yung kaba ko talaga, grabe.
"Ow...
Kakayanin mo ba dito?" tanong nya na nagpa-nginig sa buo kong katawan.
May something sa sinabi nya na hindi ko maunawaan. Basta ang gulo.
"K-kakayanin po." sagot ko pero yung tono ko na parang hindi pa ako sigurado.
"Don't 'Po' me, Ok?...
Let's be cool." sabi nya na ngumiti sakin. Ang weird talaga nya.
"Or maybe, Let's be hot?" tanong nya sakin habang nakangisi. Na nagpagulo lalo sakin. Ano ba? Sakit sa bangs neto!
"A-ano po?" tanong ko.
"Ah wala... Sige, may pupuntahan pa ko....
GoodLuck, sana makatagal ka." sabi nya bago tuluyang umalis habang nakangisi sakin.
-End of FlashBack-
Ayan, ang sakit sa ulo diba? Dumagdag pa sa sakit ng butas ko. Hahahaha.
Haay, naka-Oo na kasi ako kay Mam Grace e. Sya yung Mommy ni SL. Oo nga pala, SL daw kasi itawag ko sa kanya.
Umalis na ako agad pagkatapos makipagkilala kay Mam Grace.
Aw! Nakalimutan kong itanong kay Mam Grace kung sino ang ibe-babysit ko. Kasi walang ginawa si Mam kundi ang magkwento e. Teka? Wag naman sanang si SL ang aalagaan ko? Ano sya, Baby?
Ayun kasi ang trabaho na inaalok kay Nanay. Sinabi ko kay Nanay na ako nalang ang magta-trabaho tutal naman ako ang may kasalanan kung bakit muntik nang mawala ang scholarship ko.
Di ko inintindi yung sinasabing trabaho ni Axel, baliw yun e. May alam daw syang club na pwede kong pasukan. Baliw talaga!
Next day, Sem break na namin. At malapit na din akong mag-stay in sa bahay este sa mansion nila Mam Grace. Mabait naman si Mam Grace.
At ang ikinatuwa ko pa...
Sya na daw bahala sa 25% ko na tuition fee, tulong na din daw nya kay Nanay yun. Nai-kwento kasi ni Nanay yung problema ko. Bumilib nga sakin si Mam Grace kasi ako daw mismo ang naghahanap ng paraan para sa pag-aaral ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/57856392-288-k471732.jpg)
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...