Chapter 23 - The Beginning

8.4K 322 83
                                    

*Chris Jay's POV*

Ding dong......

Pag-doorbell ko.

Tug dug... Tug dug...

Bakit ba ganyan ang puso ko? Kinakabahan ako.

Cj, relax. Walang mangyayaring masama.

GoodMorning, Babe! <3 <3
Goodluck sa 1st day mo. Ingat ka palagi ah? Minsan dalawin kita dyan. Wag ka masyadong kabahan, everything will be fine.
Always remember, I'm here. Pag may problema just call me, ok.
I love you! :-* <3

Naalala ko yung text sakin ni Ivan kanina, kaya napangiti ako.

Huminga ko ng malalim, kaya ko to!

Tanaw kong bumukas ang malaking pintuan ng mansion. Ewan ko pero parang slow-motion yung nangyayari.

Dala narin siguro ng kaba ko.

"GoodMorning, Iho!" bati sakin ng may edad na babae. Sya din yung nakaraan. Sigurado sya ang makakasama ko dito sa loob.

Napabuntong hininga ako nung nakita kong sya ang nagbukas ng pinto.

"GoodMorning din po." masigla kong bati sa kanya.

"Nanay Lita nalang itawag mo sakin. Ang aga mo pala ngayon ah?" sabi nya at nung nakalapit sya sa gate, binuksan nya ito.

Tumawa ako ng bahagya sa sinabi nya. Yung tawang 'hehehehe'. Pangit diba? Awkward kasi e.

Pinapasok nya na ako sa loob at akma nyang kukunin ang bag ko pero pinigilan ko.

"Ako na po." sabi ko. Hindi kasi ako sanay e. Sanay ako na si Ivan lang ang nagbubuhat ng bag ko.

Ngumiti naman sakin si Nanay. Habang naglalakad kami papasok ng mansion, nararamdaman kong nanghihina ang tuhod ko. Parang pakiramdam ko, itong bagay na pinapasok ko ang bagay na magbabago sa buhay ko.

"Sayang di mo naabutan si Mam kanina. Kaka-alis lang nya...

Pero ibinilin ka nya sakin." sabi nya sakin. Ang sipag naman pala talaga ni Mam Grace. Sabagay, sabay nga kami ni Nanay umalis kanina e. Masipag din ang Nanay ko noh!

"Kain kana muna." sabi nya sakin nung nakarating kami sa sala. Maganda talaga ang mansion na to. Pero alam kong mahirap linisin.

"Di po, maya nalang po." sabi ko sa kanya. Di ko sinabi na maarte kasi ang tyan ko pag-umaga.

Di kasi ako naga-almusal ng maaga. Dahil nasusuka ako. Ewan, parang ayaw kong lunukin.

"Sige, sabayan mo nalang ang alaga mo pagka-gising nya." nagulat ako sa sinabi nya. Nanlaki yung mata ko, at bumilis ang tibok ng puso ko. Alaga?

As in ALAGA? A.L.A.G.A?

Ibigsabihin, totoo palang babysitter ako dito? Kanino? Don't tell me kay...

Kay...

SL?

O no!

"Ok ka lang ba?" tanong nya sakin. Ngumiti ako, yung pilit at may halong awkward.

"Sige, ayusin mo na muna yang mga gamit mo sa kwarto mo." sabi nya at itinuro nya sakin ang isang kwarto.

Wow naman! Yung kwarto ko parang kasya na kami ni Nanay dito ah? Tsaka, ako lang ba mag-isa dito?

"Kayo po ang kasama ko sa kwarto?" tanong ko. Ganun kasi pag-katulong diba? Sama-sama.

"Hindi, ikaw lang mag-isa dyan. Ayun yung kwarto ko." sabay turo nya sa isang kwarto malapit samin.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon