*Chris Jay's POV*
"Ok ka lang ba, Nak?" pagtawag sakin ng pansin ni Nanay.
Kumakain kami ng Dinner, kagagaling ko lang din sa school.
"May problema ba?...
Diba ang sabi ko sayo, tayo lang ang magtutulungan?...
Share mo yan!" sabi ni Nanay sakin. Aba! Bumabagets ah?
"Ummm..
Nay, sa tingin nyo po...
Yung mga taong nananakit or nambubully, ano kayang mga rason nila bakit nila ginagawa yun?" tanong ko. Tumaas naman ang isang kilay ni Nanay sa sinabi ko. Nagtataka siguro sya.
"Teka? Bakit mo naman tinanong yan?...
May nambubully ba sayo sa school? Yun ba ang dahilan kung bakit minsan umuuwi ka ng may galos?" naku, patay! Eto na nga ba ang sinasabi ko e. Mabubuking ako nito.
Isip ka ng palusot!
"Hindi po...
Ibang kwento yun, Nay...
Kailangan ko po kasing magsulat ng kwento about sa article ng Bullying." pagpapalusot ko.
San ko ba nahanap yan? Sana naman kagatin ni Nanay ang palusot ko.
Ngumiti naman sakin si Nanay ng nakakaloko. Loka-loka talaga tong Nanay ko.
"Palusot pa...
Sige, sasakyan ko yan...
Ganito yan...
Minsan kasi kulang sila sa pansin kaya sila nagpapapansin...
Karaniwan, pinipili nilang magpapansin sa gusto nila o minsan trip lang talaga nila...
O siguro, kahit hindi nila gusto yung ginagawa nila... Ginagawa parin nila kasi yun yung nakasanayan nila o yun yung gusto nilang ipakita sa tao na ganun talaga sila...
Haay, kahit ako nalito sa sinabi ko.. Basta..
Magulo yan, sasakit lang yang isang kilo mong bangs." sabi pa nya. Sabay subo sa kinakain nya.
"E Nay...
Masasabi mo bang gusto mo yung tao kasi...
Inaantay mo syang magbago?" teka? Bakit ko ba tinanong yun?
Napatigil si Nanay sa kinakain nya at seryosong napatingin sakin.
"Emeghed!...
Inlababo nanaman ang lola ko." sabi ko sainyo, kalog ang Nanay ko. Mas malandi sakin yan magsalita e.
"Nay naman e." sabi ko sa kanya.
"Well, well, well...
Ganito yan, gusto mo sya...
Sigurado ako, kasi hindi mo naman aantayin ang bagay kung wala lang naman para sayo yun...
Tignan mo...
Kilala mo si Ate Hilda?" teka? Ano nanaman ba itong pinagsasabi nya.
"Yung kapitbahay natin na laging nasa lugawan?" tanong ko.
"Oo, diba buntis yun...
At manganganak na sya sa susunod na buwan." at bakit naman napunta ang usapan namin dun? Lokaret talaga to si Nanay.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...