Chapter 56 - Double Trouble

6.1K 278 131
                                    

*Chris Jay's POV*

"Cj, paabot naman ng tape!" utos sakin ni Nanay Lita.

Busy kami ngayong araw sa paglilinis at pag-aayos ng mansion.

Nagdadagdag lang kami ng ilang decoration kasi meron naman na dati pa.

Di ko nga alam kung bakit kailangan dagdagan pa yung mga decorations. Samantalang si Nanay lang naman ang alam kong bisita mamaya.

Pero malay ko, baka may bisita pa si Mam Grace.

Nako! Kinakabahan naman ako.

Tulog pa silang lahat, bukod samin ni Nanay Lita.

Si Mam Grace, wala daw syang aasikasuhing negosyo ngayon. Tapos si Nanay naman, mamaya pang gabi pupunta dito.

Pagkatapos naming maglinis ni Nanay Lita ng mansion, nagluto na kami ng almusal.

"Cj, mamaya...

May mga darating na bisita, di tayo sasabay kumain sa kanila ng tanghalian. Tapos tulungan mo din ako magluto ng madami mamaya." sabi sakin ni Nanay Lita habang nag-aayos kami ng mga plato.

Sabi ko na e! Bakit ngayon lang sakin sinabi?

Kinabahan naman ako. Mukhang marami yun kasi madami daw ang lulutuin e. Ok lang yan dito nalang ako sa kusina tatambay mamaya. Hahahaha.

Umakyat na ko sa taas para gisingin si Pj at Storm.

Haaay, pano ko ba gigisingin si Storm? Hanggang ngayon kasi, nalulungkot pa ko sa nakita ko kahapon.

Oo, di ko naman nakita yung kasama ni Storm kahapon pero sinabi nga ni Storm na may pinuntahan sya.

Bahala na nga!

Pag-gising ko kay Pj, naisip ko kung pano ko gigisingin si Storm.

"Pj, ikaw na muna ang gumising kay Kuya mo...

May nakalimutan kasi akong gawin sa baba e." palusot ko.

Tumango naman sakin si Pj, galing ko talaga dun. Hahaha

Pumasok na si Pj sa kwarto ni Storm tapos ako bumaba na sa kusina.

Papunta na ko ng kusina nung masalubong ko si Mam Grace.

Gising na pala siya,
"Good Morning, Cj!" masigla nyang bati sakin.

"Good Morning din po!

Pababa na po si Pj." sagot ko naman.

Dumiretso naman si Mam Grace sa kusina. Ako, di na muna ako sumunod. Di ko alam pero...

Medyo nahihiya talaga ko kay Mam Grace, naiisip ko kasi na Mommy sya ni Storm.

Tapos si Storm... Naging kaibigan ko, naging Ex ko, naging rapist ko, naging kaibigan ulit tapos ngayon... Hindi ko alam kung ano ang meron samin.

Weird diba? Kaya ang awkward ng pakiramdam ko pag kay Mam Grace.

Nagulat ako nung bumaba si Pj sa hagdan at agad akong nilapitan.

"Kuya Cj, ayaw pong tumayo ni Kuya... Sabi nya kayo daw po dapat ang pumunta dun." medyo pabulong na sabi sakin ni Pj.

Buti nalang pabulong, baka kasi marinig ni Mam Grace. Baka kung ano ang isipin nya.

"Ganun ba? Bababa din yung Kuya mo." sabi ko pa.

"Kuya Cj, di po ba kayo bati ni Kuya? Sabi po kasi nya, di daw po sya bababa paghindi kayo pumunta dun." sabi pa nya.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon