Chapter 15 - Almost Is Never Enough

8.8K 325 88
                                    

*Chris Jay's POV*

Bakit ba ganito?

Lagi na syang nasa isip ko?

Dapat kasi...

Sinarado ko muna ang nakaraan ko bago ko umusad pa-abante.

Dapat pinalaya ko muna ang sarili ko bago ako nagpatuloy sa buhay ko.

Nagkamali ako.

Nagkamali ako sa kanya.

Isa lang ang sigurado ako...

Kailangan ko syang makausap.

Para masarado na ang nakaraan naming dalawa.

Alam ko at nararamdaman ko na parehas naming kailangan yun.

Agad kong kinuha ang CP ko at may tatawagan ako.

Me: Hello? It's me...
I was wondering if after all these years you'd like to meet.♪

Charaught!

Nagriring lang ang phone nya pero hindi nya sinasagot.

Mukhang nagdadalawang isip pa sya kung sasagutin nya ito.

Sya: Hi?
(Narinig ko ang boses nya... Narinig ko ulit ang boses nya...

Yung boses nya na minsan nagiging matigas pagnagtatalo kami...

Yung boses nya na minsan nagiging galit pag sinusuway ko ang gusto nya...

Yung boses nya na minsan nagiging matipuno pag-pinagtatanggol nya ako...

Yung boses nya na hindi naman kagandahan pagkumakanta pero ang lakas kung makapagpakilig...

Yung boses nya na tumutunaw sa puso pagnaririnig ko...

Yung boses nya na hindi ko makakalimutan...

Yung boses nya na sobrang lambing...

Pero yung boses na yan...

Ang nagbigay ng mga pangakong...

Pangakong hindi naman natupad.)
Sya: Alam kong nandyan ka, paghinga mo palang... Kilala ko na.
Ako: H-hi? M-musta?
(Pero nanahimik sya. Mga ilang segundo din ang lumipas bago sya nagsalita ulit.)
Sya: Alam mo na ang sagot ko sa tanong mo...

Alam mong hindi ako masaya na wala ka sa tabi ko...

Alam mong hindi ako mapakali pagnakikita kita at...

Dinudurog mo ang puso ko pagnagpapanggap ka na hindi mo ako kilala.
Ako: Pero hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko para magawa yun...

Hindi mo alam kung gaano kasakit sakin ang gawin yun.
Sya: Chris, mahal kita...

Mahal... parin... kita.
(Natahimik ako, hindi ko alam ang isasagot ko. Nasasaktan ako sa sinasabi nya. Yung boses nya na parang papaiyak na.)
Sya: Pwede ba?...

Pwede ba tayong mag-usap?
Ako: Sige.
-end of call-

Ako na ang nagbaba ng tawag dahil...

Hindi na kinakaya ng dibdib ko.

Alam ko naman kung saan kami magkikita.

Tutal walang pasok ngayon, agad akong naligo at nagbihis.

Plain Sky blue na V-neck ang sinuot ko at maong na tokong shorts.

Magdadala din ako ng panyo para sa mga luhang papakawalan ko.

Habang kinukuha ko ang panyo ko, nakita ko yung bimpo.

Bimpo na galing kay Ivan.

Nung nakita ko yun, napangiti ako.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon