*Chris Jay's POV*
"Akala ko ba, lahat ng lalaking umaaligid sayo...
Lalayuan mo?" bulong sakin ni Axel habang may nagrereport sa harap ng klase.
"Oo, pero hindi ka naman lalaki kaya kasama kita e." bulong ko din.
"E sino yang nasa labas?" tanong nya ulit.
Agad naman akong napatingin sa labas at...
Nakita ko si...
Storm?
Nung napatingin ako sakanya, hindi parin nagbago yung seryoso nyang tingin sakin mula kanina nung makita ko sya.
Umiling ako kay Storm...
Parang sinasabi ko sakanya na, itigil na nya yung ginagawa nya.
Pero iniwas nya yung tingin sakin at hindi nya pinansin yung ginawa ko.
Haaays! Tigas talaga ng ulo nya!
"Lakas talaga ng kamandag mo, Cj! Tignan mo, una si Ivan... Ngayon si SL at si Jeff naman?" nagulat ako sa bulong ni Diane, malandi kong kaklase.
Sasagot sana ko, kaso inunahan ako ni Axel.
"Inggit lang? Wala sigurong lalaking nagkakagusto sayo? Kaya ibang tao ang napapansin mo. Teh! Makinig ka sa report, wag kang makialam sa buhay ng iba!...
Tanggalin ko yang m*tres mo e! Tignan ko lang kung may maipagmamalaki ka pa... Tutal yan lang naman ang maibubuga mo samin." bulong naman ni Axel. Napa-irap nalang samin si Diane.
Yan yung dahilan kung bakit gusto kong lumayo muna sa kanilang lahat.
Dahil hinuhusgahan ako ng mga tao kahit hindi naman nila alam ang totoo.
"Hayaan mo nga yang malanding yan!" sabi sakin ni Axel.
Muli akong napatingin sa labas at nakita ko si Storm na nakatingin sakin...
Ano ba talaga ang gusto nyang mangyari?
-
Umalis na yung professor namin, last subject na namin yun.
Masaya sana kasi uwian na, pero hindi yun ang nararamdaman ko.
Dahil...
Inaantay nga pala ko ni Storm ngayon... At hindi ko alam kung ano ang balak nya... Kung ano ang iniisip nya... Kung ano ang gusto nyang mangyari.
Inayos ko ang bag ko at agad kong hinatak si Axel palabas ng room namin.
Balak kong iwasan si Storm, kaya madali akong kumilos.
Nakalabas na kami ng room, mabilis ang lakad ko...
Hanggang sa maramdaman kong may humawak sa braso ko.
Di ko sana sya lilingunin pero kailangan...
"Nag-mamadali kasi kami ni Axel, may pupuntahan pa kami." sabi ko kay Storm.
Pero...
Tinignan nya si Axel.
Alam ko yung tingin nyang yun.
Yung parang punong-puno ng lason yung tingin nya... Na sobrang nakakasindak.
"Mauna na ko, Friend." biglang sabi ni Axel.
Pinag-dilatan ko sya ng mata pero... Tuluyan na syang umalis.
Maduga si Storm. Tinakot nya si Axel para umalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/57856392-288-k471732.jpg)
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...