Chapter 60 - Choosing Him

5.9K 286 175
                                    

*Chris Jay's POV*

"... Hindi ko na talaga alam gagawin ko, bes." pagsabi ko kay Axel ng mga nararamdaman ko.

Vacant ngayon, at ilang araw na din ang lumipas simula nung...

Nung...

Ginulo nanaman ako ni Ivan.

Apektado ang lahat ng ginagawa ko dahil sa ginawa nya sakin...

Maging si Storm, madalang ko syang kausapin dahil...

Binibigyan ko ng space ang sarili ko para makapag-isip.

Kay Axel ko lang sinabi ang lahat ng nasa loob ko.

Sya ang taong mas pinagkakatiwalaan ko, dahil noon pa man... Sya na ang laging nandyan sa tabi ko.

"Naiintindihan kita, Friend...

Pero, hindi ba unfair kay Storm at kay Ivan ang ginagawa mo?" sabi nya sakin.

Natahimik ako sa sinabi nya. Parang gusto kong payuhan nya ko.

"Diba?

Si Storm, umaasang magiging kayo ulit...

Tapos si Ivan, alam kong inaantay nya na sabihin mong mahal mo pa sya." dagdag ni Axel sakin.

"Di ko sya mahal!" pagkontra ko agad sa sinabi nya patungkol kay Ivan.

"Oo yan ang paulit-ulit mong sinasabi...

Pero, iba ang naramdaman nya nung hinalikan ka nya." makahulugang sabi sakin ni Axel.

Oo, alam ni Axel na hinalikan ako ni Ivan. Dahil nasa likod ko sya nung nangyari yun.

Natahimik ako.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"At iba din ang naramdaman mo nung hinalikan ka nya...

Sa tingin mo ba, hindi nya naramdaman ang naramdaman mo nung ginawa nya yun?

Friend, sa tingin ko...

Di ka naguguluhan, alam mo yan sa sarili mo kung sino ang mahal mo...

Sila lang ang nagpapalito sayo." sabi pa nya.

Mas lalo akong natahimik...

Hindi ko inaasahan na magiging ganito ka-seryoso si Axel.

"Friend, kaibigan kita...

Gusto kitang tulungan sa mga problema mo, lalo na sa mga gumugulo sa isip mo...

Pero friend, ayokong mag-mukha kang malandi sa harap nila...

Buti nga sakin mo sinabi ang lahat ng nararamdaman mo kasi hindi kita agad hinuhusgahan...

Pero kung ibang tao ang makakarinig sayo...

Masasabi nilang 'MALANDI KA'.

Alam mo, para matapos yang mga iniisip mo...

Tapusin mo ang dapat tapusin... O kaya itigil mo yung nagsisimula palang...

Alam mo naman sa sarili mo yan, tsaka wag mo nang patagalin... Kasi mas lalo ka lang masasaktan... At mas lalo mo lang sila binibigyan ng pag-asa.

Tandaan mo,
Pwedeng mahal mo lang sya kasi sya ang nandyan sa tabi mo...

O kaya pwede ding mahal mo lang sya kasi alam mong pagkailangan mo sya... Nandyan sya...

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon