Chapter 72 - Torture

5.7K 207 92
                                    

*Chris Jay's POV*

"Kelan pupunta sila Mommy mo dito?" tanong ng isang tita ni Storm. Nakalimutan ko na mga pangalan nila, andami naman kasi para kabisaduhin ko pa.

"Next week daw po." sagot naman ni Storm. Sabay subo ng kinakain nya.

Dinner na namin.

At ang awkward para sakin. Pakiramdam ko kasi di naman ako belong dito. Stranger lang ako dito.

Sa mahabang lamesa, katabi ko si Storm. Tapos katapat naming dalawa yung kambal. Tapos the rest yung iba pa nilang kamag-anak.

Puro kamustahan ang naririnig sa buong hapagkainan. Mukhang sila lang ang nagkakaintindihan.

"Namiss kita, Cj!" masiglang sabi ni Fae. Kakambal sya ni Adrian. Agad naman akong napatingin sakanya.

Ngumiti lang ako. Nahihiya ako magsalita. Di ko alam ang sasabihin ko.

"Ako ba, namiss mo Cj?" biglang sabi ni Adrian. Nakangisi sya na parang demonyo. Ganyan din si Storm pagnang-aasar sya.

Nanlaki yung mga mata ko.

Hindi ko inaasahang sasabihin ni Adrian yun. Nanahimik ang lahat.

Pero hindi ang dibdib ko.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon.

Lahat sila...

Nakatingin sakin.

Pakiramdam ko, nalulusaw ako sa mga titig nila sakin.

Parang gusto ko nalang lamunin ng lupa.

Inaantay nila na sumagot ako sa sinabi ni Adrian.

At hindi ko alam ang sasabihin ko...

Pinagpapawisan na ko.

"At bakit naman? Lagi mo nga syang inaasar... Diba Cj?

Wag kang mag-alala, igagala kita dito sa buong farm!" singit naman ni Fae.

At dahil sumagot si Fae, para akong nabunutan ng tinik dahil sa pagligtas nya sakin.

Nagkanya-kanya nang kwentuhan ang mga kamag-anak ni Storm.

Nakahinga na ko nang maluwag, pero napawi ito nung...

Napansin kong mas lumaki ang ngiti ni Adrian.

Naramdaman nya siguro...

Naramdaman nya ang kabang bumalot sa buong katawan ko kanina.

Agad akong napatingin kay Storm sa tabi ko.

"Antahimik mo yata?" nakakalokong tanong sakin ni Adrian.

Sasagot na sana ko nang biglang sumagot si Storm para sakin.

"Pagod lang sya. Ilang oras din kaming bumyahe papunta dito." si Storm.

Marami akong dahilan kung bakit tahimik akk ngayon.

Isa na dun na kailangan kong maging maingat sa mga sinasabi at ginagalaw ko dito.

Ayokong sa isang iglap lang...

Magbago ang tingin nila samin ni Storm.

Alam kong mahalaga kay Storm ang pamilya nya...

At kung hindi pa sya handa na sabihin ang tungkol samin...

Kakayanin ko...

Kakayanin kong magpanggap na magkaibigan lang kami...

Kahit, gusto kong iparamdam sa kanila kung gaano ko kamahal si Storm.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon