*Chris Jay's POV*
"Friend, andito ako ah...
Kinuwento sakin ni Cous ang nangyari... Ano bang problema?" nag-aalalang tanong sakin ni Axel. Hinawakan nya ko sa balikat.
Parang gripo na muling umagos ang mga luha ko.
Hindi ko mapigilan, naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Axel.
Nakaka-awa ako! Alam ko naman na ito ang kabayaran ng mga pagli-lihim ko kay Ivan...
Pero bakit ganito?
Dinudurog ang puso ko.
Hindi ko kayang mawala sya sakin, alam kong ikamamatay ko yun.
Alam ko kung gaano kahalaga kay Ivan ang tiwala, kaya di ko sya masisisi.
Pero...
Anong gagawin ko? Maglumuhod ako sa harap nya?
Alam kong kaya kong gawin yun para lang mapatawad nya ko.
Pero galit sya sakin ngayon...
Sabi kasi sakin ni Nanay, pag-galit ang isang tao... Hayaan mo munang lumamig ang sitwasyon.
Pero... Relasyon naman namin ang lalamig pag-pinatagal ko to.
Mahal ko si Ivan... Sobra!
At hindi ko sya bibitawan.
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?...
Parang sya mismo ang bumibitaw samin.
Ang sakit! Ang sakit ng mga sinabi nya sakin...
I deserve it!
Alam ko naman na ganito talaga ang pwedeng mangyari dahil sa pag-lilihim ko.
Pero inisip ko...
Kasalanan ko ba talaga yung nangyari sakin?
Yung ginahasa ako ni SL, kasalanan ko ba?
Pero ang kasalanan ko naman talaga e yung nilihim ko sa kanya ang lahat.
Tama si Ivan...
NAKAKADIRI AKO.
Yan ang sinabi nya saking tumagos sa puso ko...
Yung salitang nang-galing pa mismo sa taong mahal na mahal ko.
Yung ini-expect mo na taong iintindihin ka at dadamayan ka...
Pero wala e.
Sumuko na ba sya? Sinukuan na ba nya ko? Wag naman sana.
-
"Gusto mo bang ihatid kita sainyo?" tanong sakin ni Axel. Maaga kaming uuwi dahil walang professor sa last subject namin.
Tumingin ako ulit sa labas ng room.
Ina-asahang darating ang taong tumatakbo sa isip ko.
Pero miski anino nya di ko makita.
Alam kong maaga pa, pero ganitong oras naman yun mag-abang sa room namin e.
Nawala ang pagiging tulala ko ulit, nung naramdaman kong hinimas ni Axel ang likod ko.
"Friend, alam kong tungkol kay Ivan yan...
Humanda talaga sakin yang Boyfriend mo... Naku! Makikita nya...
Hayaan mo nalang muna sya." sabi ni Axel. Napatingin ako sa kanya.
Alam kong pinapangiti lang ako ng kaibigan ko... Kaya binigay ko yung hinihingi nyang ngiti.
Ngumiti ako sa kanya, alam kong miski ang pusa pagnakita ito hindi maniniwala.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Ficção AdolescenteSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...