*Chris Jay's POV*
Nakauwi na kami ni Nanay sa bahay.
Sabog ang isip ko.
Di ko na nga alam na nakauwi na pala kami dito sa bahay.
Naupo ako sa isang sulok..
Nagiisip..
Nalilito...
Di ko alam kung ano ang nangyayari..
At kung ano ang mangyayari.
"Anak, sana maintindihan mo..
Na kailangan mo nang lumayo kila SL, simula ngayon." rinig kong sabi ni Nanay.
Di ako nagsalita.
Nanatili akong nakatingin sa kawalan.
Parang di tinatanggap ng utak ko ang mga nangyayari.
Di yan totoo.
Malamang nananaginip lang ako ngayon.
Huminga ako nang malalim.
Nagbabakasakaling magising at masabing napaka pangit naman ng panaginip na ito.
Nabalot ng katahimikan ang paligid.
Di ako makapagisip ng maayos.
Maraming tumatakbo sa isipan ko.
Pero binasag ko ang katahimikan nung nagsalita ako kay Nanay,
"Nay, bakit!?
Bakit naman po ganun?
Di naman po magandang biro 'yon, nay!" sabi ko.
Agad namang lumapit sakin si Nanay.
"Anak..
Cj.. Alam ko, malaki kana. Kaya maiintindihan mo na kung ipapaliwanag ko sayo ang lahat." sagot nya sakin.
Sa tono palang ng boses ni Nanay, alam kong hindi maganda ang malalaman ko.
"Si Jayson,
Si Jayson ang tatay mo..
Di totoong amerikano ang tatay mo, sinabi ko nalang na amerikano para di mo na hanapin..
Para di mo na tangkaing puntahan.
Dahil ayaw kong manggulo pa tayo sa pamilya nila.
Nung pinagbubuntis na kita noon, nalaman ko nalang na may pamilya na pala ang tatay mo..
Na pamilyadong tao pala sya..
Sa tinagal ng aming pagsasama, di ko nalaman yun..
Di ko nalaman na niloloko lang pala nya ako.
Kaya nakipaghiwalay ako agad..
Dahil ayaw kong lumaki ka na itinuturing na kasalanan.
Ayaw kong pagdaanan mo yun..
Ayaw kong isipin mo na nakakasira tayo ng isang pamilya.
Kaya ako na ang lumayo sa tatay mo.
Kaya naman kitang palakihin kahit ako lang.
Nung lumayo ako, di na ko nagpakita pa kahit kelan..
Ni hindi ko inalam kung sino ang pamilya nya, kung taga saan sila. O kung maayos ba sila..
Basta ang kailangan ko noon, malayo kita sa tatay mo.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...