*Chris Jay's POV*
"Pabili pong Coke, Dalawa!" Sabi ni ....
Ano nga ba kasing pangalan nito? Haayst, matatapos nanaman ang araw ko pero hindi ko pa nakikilala ang lalaking to.
Agad namang inabot samin yung Coke nung tindera. Akmang kukuha ako ng pambayad ko, nakakahiya naman kasi e.
"No need...
My treat." Nakangiti nyang sabi sakin, wag! Natutunaw ako.
"Next time hindi lang to." Pabulong man pero sapat na yun para marinig ko.
Umupo naman kami...
Malapit....
Kay Jeff.
Oo nga pala, dito kami sa tindahan kung nasaan sila Jeff. Hindi ko maintindihan kung ano ang binabalak ni ...
Urrrggghh! Ano nga ba kasi? Sige, KISA muna ang tawag ko sa kanya. Bagay naman kasi sa kanya yun.
Dinaanan lang namin kanina si Jeff papasok sa tindahang ito. Medyo malaki kasi tong tindahan tapos may mga upuan. Sila Jeff nakapwesto sa labas. Kami naman medyo sa loob.
Simula nung inakbayan ako ni KISA, di ako lumilingon kay Jeff. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari o baka may sabihin sya sakin.
Paglagpas namin kila Jeff, inalis na ni KISA ang pagkaka-akbay sakin.
Pero kahit naka-upo na kami ngayon, ramdam na ramdam ko ang mga tingin sakin ni Jeff magmula nung pumasok kami dito.
Ano naman kaya ang iniisip ni Je-
"Hey!...
Wag mo namang ipahalata na natatakot ka...
As I said earlier, I'm here...
I'll never let him or anyone hurt you...
Just relax and focus on me." Sabi nya sakin. Mas lalong dumagdag ang pagkalito ko.
Nilalandi ba nya ako?
Ramdam nya kayang gusto ko sya?
Agad akong napatingin sa sapatos ko dahil nahihiya ako sa kanya.
Bisyo ko na yata ito. Ang tumingin lagi sa sapatos pag nahihiya ak-
Hahahahah! Hindi na yun makakatakas...
Rinig ko mula kay...
Jeff.
Naramdaman kong nagwawala na ang dibdib ko dahil sa kakatibok ng puso ko.
Ikaw ba naman mapunta ka sa pagitan ng dalawang taong nagbibigay ng matinding kaba.
Kaba para kay Jeff na walang ginawa kundi pagtripan ako...
Kaba para kay KISA na walang ginawa kundi palituhin lang ako...
Haaay! Sakit sa ulo.
"Ummm... Ano nga bang pangalan mo?" Walang takot kong tanong sa kanya. Pero di parin ako nakatingin sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/57856392-288-k471732.jpg)
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...