*Chris Jay's POV*
Nakahawak sa kamay ko si Pj...
Habang nakahawak din sya sa kamay ni Storm.
Pumasok kami ng Mall.
Malawak ang mall, kasing lawak ng ngiti ni PJ sa kanyang labi.
Ako lang ba ang nakakapansin pero...
Pakiramdam ko, mukha kaming isang pamilya.
Isang gay couple na may isang anak na lalaki.
Dahil nasa gitna namin si PJ habang nakahawak sya sa kamay naming dalawa.
Haaay, kaya mo yan tiisin.. Cj!
Nagulat nalang ako dahil biglang nanakbo si PJ habang hatak-hatak nya kaming dalawa ni Storm.
Napatingin ako kay Storm, tumaas ang balikat nya.
Parang sinasabi na, 'hayaan lang natin sya'.
Kaya naman nagpatangay nalang kami kay PJ.
"Jay, wag kang manakbo...
Lahat ng gusto mong puntahan, pupuntahan natin...
Kung kakayanin ni Chris." sabi ni Storm... Sabay tingin sakin. Nakangiti sya sakin...
Iba yun...
Dahil hindi ito ngisi na nang-aasar.
Ito yung ngiti na...
Dati'y minahal ko sakanya...
Ito yung ngiti na...
Dati'y hinahanap-hanap ko...
Ito yung ngiti ni...
Storm, na minahal ko noon.
At nung tinawag nya kong 'Chris'...
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi ko maintindihan...
Pero, parang sinasabi ng utak ko na... Mali ang nararamdaman ko.
Bakit?
Dahil nanaman ba kay Ivan?
Oo, dahil kay Ivan... Dahil hanggang ngayon, mahal ko sya.
Oo, alam kong mahal ko sya wala nang iba pa.
Pero wala sya sa tabi mo ngayon...
Iniwan ka nya...
Lamunin nya sana ang space na hinahanap nya.
Hindi ko maintindihan pero tila nagsasagutan ang isip ko.
May lumalaban para kay Ivan... At merong gustong lumimot kay Ivan.
Hindi! Hindi ko sya kakalimutan dahil hindi naman mangyayari ang iniisip ko...
Ang tuluyang mawala sakin si Ivan.
Mahal ako ni Ivan... Mahal na ma-
"Ang bagal mo, Tanda!" rinig kong sabi sakin na nagpawala sa pag-iisip ko ng kung ano-ano.
Nakita ko na bumitaw na pala si PJ sa kamay ko at nananakbo na sila palayo sakin.
Tila nag-uunahan silang dalawa makarating sa isang arcade.
Si Storm pala ang sumigaw dahil tila nawawala ako saking sarili.
Dun ko nakita na hindi ko dapat problemahin ang isang bagay na maayos ko pa...
Dapat enjoyin ko muna ang nagaganap.
"Sinong matanda?" sagot ko... Sabay takbo pahabol sa kanilang dalawa. Agad akong napangiti sa inaasal nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...