Chapter 63 - Reminiscence

6.9K 253 168
                                    

*Chris Jay's POV*

Naalimpungatan ako, kaya idinilat ko ang mga mata ko.

Nandito ako sa kwarto ko.

Pasado alas kwatro palang ng madaling araw. Yan ang nakita ko sa wall clock ng kwarto ko.

Alam ko...

Katabi ko si Storm sa kama ko.

Pero nakatalikod ako sakanya ngayon.

Tumayo muna ako at pumunta sa banyo para umihi.

Pakatapos kong umihi, nakita ko si Storm na payapang natutulog sa kama ko.

Dito nga pala sya natulog kagabi.

Umupo ako sa kama ko, ewan ko pero gusto ko syang pagmasdan ngayon.

Walang nangyari samin ah? Kakapatawad ko pa nga lang sakanya may mangyayari agad?

Pero...

Wala akong pinagsisisihan sa ginawa kong pagpapatawad kay Storm.

Mahal ko sya.

Yun ang mahalaga.

Oo nga't masakit yung mga sinabi at ginawa nya sakin pero...

Walang wala yun sa pagmamahal ko para sakanya.

Noon pa man.

Mahal na mahal ko sya.

Ewan ko ba, kung ano ang nakita ko kay Storm kung bakit ganito ko sya kamahal.

Nung una naming pagkikita...

Ginalit nya na ko kaagad.

Di nga sya gwapo noon e. Mukha syang unggoy dahil sa kapal ng kilay nya. Hahaha

Pero ewan ko ba?

Nung nakilala ko sya.

Parang naintindihan ko sya.
Kaya nya ko laging pinagti-tripan noon.

Pero nung sumobra na yung ginagawa nya sakin...

Dun nya nakita na umiyak ako.

Unang beses kong umiyak nun dahil sa ginawa nya.

Pero nagulat din ako na gusto nyang makipagkaibigan sakin.

Nung naging kaibigan ko sya.

Mas nakilala ko sya.

Yung pagkatao nya.

Yung totoong sya.

Dun ko naramdaman na...

Kaya siguro naintindihan ko sya nung binubully pa nya ko dahil...

Noon pa man.

Gusto ko na sya.

Mas lalo lang itong lumala nung napalapit kami sa isa't isa.

Tapos maraming nakakapansin sakanya.

Oo na.

Gwapo kasi sya.

Napansin ko lang din yun nung napalapit na kami.

Pero bakit ganun?

Ako kasi, napapansin kong gwapo ang isang tao sa unang pagkikita namin.

Pero si Storm.

Nung nagkaroon lang ako ng nararamdaman sakanya...

Dun ko napansin yung kagwapuhan nya.

Oo, napanisin kong sobrang gwapo nya.

Ewan ko kung sakin lang ba o pati na rin sa iba.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon