*Chris Jay's POV*
Andito na kami sa kwarto ko.
Tahimik.
Walang nagsasalita.
Parang nagpapakiramdaman lang kami kung sino ang magsasalita.
Di ko maintindihan ang nararamdaman ko.
Matapos ang nangyari kanina...
Di ko na alam ang gagawin ko.
Napatingin ako kay Storm na nakahiga sa tabi ko.
Nakatingin lang sya sakin.
Hindi ko alam ang iniisip nya.
Parang gusto kong alamin kung ano yun.
Gusto kong malaman kung ano ang nararamdaman nya ngayon matapos ang nangyari kanina.
-Flashback-
"May hindi ba kami alam?" gulat na tanong samin ni Tito Dan.
Ang sakit ng puso ko.
Kabadong-kabado ako.
Napatingin ako kay Storm. Pagtingin ko sakanya, nakatingin din sya sakin.
Bakas sa mukha nya ang kaba na nararamdaman ko din ngayon.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Parang gusto kong magsalita pero wala akong lakas ng loob para gawin yun.
Punong puno ng takot at kaba ang dibdib ko.
Huminga ako nang malalim...
Magsasalita na sana ako nung biglang nagsalita si Storm.
"Boyfriend ko po si Chris." madiin na sabi nya. Nanlaki lalo ang mga mata ko.
Parang sumabog ang puso ko.
Ano na?
Ano nang mangyayari?
"Anoooo?" agad na sabi ni Tito Dan.
Sobrang tahimik ng paligid.
Nakakatakot.
Parang isang pagkakamali lang namin, kakainin kami ng buhay.
Nararamdaman ko ang tensyon sa paligid.
Maging ang mga pinsan ni Storm, nakatingin lang samin.
"Tama po ang narinig nyo...
Boyfriend ko po si Chris. Magboyfriend po kami." ipinaglalaban ni Storm ang relasyon namin.
Napaling ang atensyon nila saming dalawa.
Para akong natutunaw sa mga titig nila.
Nakakatakot.
Nakakapanghina.
Pero kailangan kong lakasan ang loob ko. Pinaglalaban na ko ni Storm. Dapat nga matuwa pa ko.
"P*tang ina! Kelan pa?" medyo pasigaw na sabi ni Tito Dan.
F*ck! Natatakot ako!
Natatakot ako sakanya. Parang...
Parang kaya nya kong saktan. Parang kaya nyang makapatay ng tao dahil lang sa nalaman nya.
"Dan! Huminahon ka nga! May mga bata!" sigaw naman sakanya ni Tita (Mom ni Storm).
Mas lalong tumindi ang tensyon.
Aminado ako...
Ayoko ng ganito.
Di ako sanay sa ganito. Kaya nanginginig na ko. Mas tumindi pa ito nung tinignan ako ni Tito Dan ng masama.

BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...