*Chris Jay's POV*
Maaga palang nandito na ako sa school para sa event namin.
Excited na ako maging Tour Guide ng isang bata. Bata palang ako, gusto ko nang magkaroon ng kapatid. Pero mukhang hindi na mangyayari yun. Hahaha.
"Ang tagal naman nila." komento ni Axel. E pano ang aga kasi namin.
Buong section kasi namin ang magha-handle ng mga bata. Mga bata na itu-tour namin dito sa loob ng campus. Mga kinder palang sila. Haaay, makukulit siguro sila.
"Cj, samahan mo nga muna ako sa locker. May kukunin lang ako." saad naman nya. Tutal maaga pa naman pumayag ako.
Habang palakad kami papuntang locker area, may naalala ako.
Yung kahapon.
Hanggang ngayon masakit parin ang dibdib ko dahil sa suntok ni Kevin.
Buti nalang hindi namaga ang mukha ko sa pagkakasampal nya.
Naalala ko tuloy yung kagabi.
-FlashBack-
"Akala ko ba, bading ka?" tanong sakin ni Nanay nung nakita nya ako.
Ang weird ng nanay ko ngayon ah.
Hindi ako sumagot, tinignan ko lang sya. Sabi kasi nila... Silence is the best answer for the stupid question. Hahaha.
Lumapit sakin si Nanay at hinawakan ang pisngi ko.
"May bading bang basagulero?" sabi nya sabay dutdot sa pisngi ko.
Napahiyaw naman ako sa sakit.
"Kelan ka pa natutong makipag-away?" tanong nya ulit.
Ayoko talagang sabihin na binubully ako sa school dahil pagnalaman ni Nanay yun malamang susugod sya sa school at dadagdag pa yun sa problema nya.
Hindi parin ako sumagot.
"Magbihis kana...
Sa susunod na linggo, bibili nalang tayo ng bago mong uniform na pamalit dyan." sabi nya. Si Nanay kahit hindi nya alam ang nangyayari, just go with the flow lang sya.
Nakapagbihis na ako ng damit na pangbahay. Magtitira nalang ako sa allowance ko para makabili ng bagong uniform.
Lumapit sakin si Nanay at may ibinigay...
Yelo na nakalagay sa face towel.
"Ayan, pagalingin mo nalang ang sarili mo. Malaki kana...
Nakikipag-away ka na nga e." sabi ni Nanay.
Kinuha ko ito sa kanya at lumapit sya sa lamesa para ihanda ang pagkain.
Lumapit ako kay Nanay at...
At...
Niyakap ko sya mula sa likod nya.
"Thank you, Nay!...
Kahit wala si Tatay ikaw ang laging nandito sa tabi ko...
Ang swerte ko dahil ikaw ang Nanay ko. Dahil kahit mahirap lang tayo, nararamdaman ko ang pagmamahal mo." paglalambing ko.
Totoo naman, laging nandyan si Nanay. Lalo na pagkailangan ko sya. Kagaya nalang nung iniwan ako. Sya ang nagpapalakas sa loob ko.
Kaya mahal na mahal ko ang Nanay ko.
"Ang sweet talaga ng dalaga ko...
Ako ang maswerte, kahit iniwan tayo ng Tatay mo...
![](https://img.wattpad.com/cover/57856392-288-k471732.jpg)
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...