Chapter 79 - Misunderstanding

1.6K 87 80
                                    

*Chris Jay's POV*

Bakit ganito?

Parang every time na matutulog ako, nakakarinig ako ng isang boses..

Boses na tinatawag ang pangalan ko.

Minsan, rinig ko boses ni Storm yun.. Pero minsan, rinig ko hindi.

"Psstt!" rinig kong sitsit sakin.

Agad naman akong napatingin sa pintuan ng kwarto ko.

"Huy! Ano ginagawa mo dito?

Bawal ka dito ah!?" agad kong sabi sakanya.

Nakita ko nalang na pumasok sya at sinarado ang pinto kwarto ko.

"Hindi porket, kapatid kita...

Makakalimutan mong ikaw parin ang slave ko." nakangiting sabi nya sakin.

Naglakad sya papalapit sa kama ko, kung saan ako nakahiga.

"Anong slave-slave!?

Kuya kaya kita!" pang-asar ko sakanya.

Agad naman syang tumabi sakin at humiga din sa kama ko.

"Kuya ka dyan,

Kinak*nt*t kita tapos kukuyahin mo ko?" natatawang sabi nya sabay yakap sakin.

"G*go ka!

Makita tayo ng daddy mo!" sagot ko naman sakanya. Sinusubukan kong alisin ang pagkakayakap nya sakin.

Pero lumalaban sya, sinisiksik nya lang sakin ang katawan nya. Habang sinusubsob nya sa leeg ko ang mukha nya.

Alam nya, na ayaw kong tawaging tatay ang daddy nya. Wala naman daw syang magagawa at syempre, mas gusto daw nya yun.

"Storm, ano bang meron..

Bat nag-gaganyan ka ngayon?

Baka makita tayo ng daddy mo, mapalayas ako ng wala sa oras." sabi ko naman.

"Please?

Ganito lang tayo kahit saglit lang." paglalambing nya sakin.

Alam nya, na malakas sya sakin. At alam nya na pagnaggaganito sya, bibigay ako.

At ayun nga ang nangyari, niyakap ko nalang din sya. Narinig ko naman na ni-lock nya ang pintuan bago sya pumasok so walang problema.

Hinaplos ko ang buhok nya habang yakap-yakap ko sya.

Dun ko napansin ang nasa batok nya.

"Storm, ano to!?" takang tanong ko sakanya. Sabay himas sa batok nya.

Humarap naman sya sa mukha ko. Ngumiti lang sya sakin at akmang hahalikan ako pero pinigilan ko.

"May tattoo ka nanaman!?

Nagiging hobby mo na yang pagpapatattoo!" sermon ko sakanya.

"Galit ka?" lungkot lungkutan nya sakin.

"Hindi! Nagugulat lang ako, kakapatattoo mo lang last time..

Tapos meron nanaman." sagot ko. Ang alam ko nga ayaw nya magpatattoo, e ano tong pinaggagawa nya?

Agad naman syang tumalikod sakin. Haaays! Nagpapa-baby nanaman ang damuho na to.

"Namomroblema na nga ko para satin tapos ganyan ka pa." sabi nya sakin.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon