*Chris Jay's POV*
"Hey, Ice Cream?" Tanong sakin ng isang lalaki. Sabay akmang iaabot sakin ang Ice Cream na hawak nya.
Naka-upo ako sa isang swing dito sa playground. Di naman kami taga dito, may kamag-anak lang kaming taga dito.
"Hindi po...
Pero salamat." Nahihiya kong sabi sa kanya kasabay ng isang matamis na ngiti.
Tinignan ko ang mukha nya, mukha naman syang mabait at friendly. Gusto nya sigurong makipagkaibigan sakin. Pero alam ko na lalayuan nya ako, dahil...
Bakla ako.
Sino ba naman kasing lalaki ang makikipagkaibigan sa isang gaya ko diba?
Kaya nga karaniwan, babae ang kaibigan ko dahil sila naiintindihan nila ako.
Agad kong itinuon ang tingin sa mga naglalaro ng basketball. Habang nakahinto ang swing ko.
Naramdaman ko nalang na may umupo sa bakanteng swing sa tabi ko. May tatlong swing kasi dito.
"Alam mo, ang swing dapat ginagamit...
Hindi lang sya basta upuan." Rinig kong sabi nya. Sya yung lalaki kanina.
Pakialamero naman nito, e gusto nakahinto lang e.
"Gusto mo bang maglaro ng basketball?" Tanong nya, daldal naman nito.
"O gusto mo yung mga naglalaro ng basketball?" Dagdag nya. Kasabay ng tawa. Yung tawa nyang nangiinsulto ang nagpataas ng dugo ko.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...