Chapter 90 - While The World Let Go

1.3K 94 137
                                    

*Chris Jay's POV*

"O.M.G!!!!!

First time ko pong makapunta dito!" halos maiyak na sabi ko kay Storm.

Andito na kami sa El Nido, Palawan. Di ako makapaniwalang nakapunta kami dito ngayon.

Para akong nananaginip. Hindi pa sumagi sa isip ko na makakapunta ako dito. At biglaan pa.

Nilibot ng mata ko ang ganda ng tanawin. Kung titignan ang hitsura ko, para akong bata na tuwang tuwa. Pero wala akong pakialam, basta masaya ako na nakarating ako dito.

"Nagustuhan mo ba?" napatingin ako kay Storm na nakangiti sakin.

"Sobra po." sagot ko sabay lapit sakanya. Agad ko syang niyakap ng mahigpit.

"Hindi po ba ako nananaginip?" tanong ko pa sakanya. Natawa naman sya sa sinabi ko.

"Hindi. Gusto mong patunayan k-" di ko na pinatapos yung sasabihin nya.

Dahil agad ko syang hinatak at hinalikan.

Ramdam ko yung init ng labi nya sa labi ko.

Hindi nga ako nananaginip.

"Thank you! Thank you dahil dinala mo ako dito." seryosong sabi ko sakanya.

Di nya alam kung gaano nya ako napasaya ngayong araw.

Nung naibaba na yung mga gamit namin sa bangka, agad naman itong kinuha ni Storm.

"Tulungan na kita." sabi ko pa dahil dalawang bagahe yung dala nya. Bukod sa bag pack na dala namin.

"No need, birthday mo. Ipags-serve kita." nakangiting sabi nya. Naglakad na kami papunta sa magiging room namin.

"May gusto ka bang gawin ko para makabayad sa pagdala mo sakin dito?

Gusto mo ba bumukaka na ko?" pang-aasar ko sakanya. Di ko na talaga alam pinagsasabi ko sakanya, basta ang alam ko... Masaya ako ngayon. Sobra.

"G*go! Mamaya nalang. 6 rounds tayo ah?" pag-sakay nya sa pagbibiro ko sakanya.

"Sige ba, basta kalabitin mo nalang ako pag game na." sabi ko pa sabay tawa.

"Ay ang galing naman...

Dapat pala lagi kitang dinadala sa ganito para lagi kang ganyan...

Pag nasa bahay tayo, pakipot masyado. Nung nandito tayo, bigay agad." pang-aasar nya sakin.

"G*go! Nagbibiro lang ako...

Mahirap naman kung aaraw-arawin mo ko diba? Gusto mo ko lumuwag?" sabi ko naman sakanya.

"Joke lang! Inaasar lang kita." sagot naman nya sakin.

"Good!" sabi ko pa habang nililibot ng mata ko ang tutuluyan naming resort.

"Pero seryoso ako sa 6 rounds." biglang sabi nya na agad nagpalingon sakin.

"T*ngina ka!" natatawang sabi ko nalang sakanya.

...

"Good Morning po, Mga Sir!

Welcome po sa resort namin. If may kailangan po kayo, lapit nalang po kayo sa mga staff namin." masiglang bungad samin nung isang staff.

"Thank you po!

Honeymoon kasi namin ng bebe ko ngayon." sagot ni Storm na biglang nagpagulat sakin. Inakbayan pa nya ako sa harap nung babae.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon