*Chris Jay's POV*
Pumasok na ko ng room namin.
Para silang naka-kita ng multo dahil halos lahat sila, nakatulala sakin.
Pero wala akong maramdaman, kundi... Lungkot? Sakit? Galit? Inis? Pero mas nangingibabaw yung kirot sa puso ko.
"Friend! Ano bang nangyari?
Bakit kasama mo si Jeff? Sinaktan ka ba nya? Bakit ka nya hinatid dito?" gulat na tanong sakin ni Axel. Nakikita ko na halos lahat ng kaklase ko nakatingin sakin, na tila inaantay ang isasagot ko.
Tinignan ko sila... Umiwas sila ng tingin at kunyari may kanya-kanyang ginagawa.
"Hinatid nya ko dito...
Binalak ko kasing hindi na pumasok...
Di ko na kasi kaya." di ko mapigilang sabihin kay Axel.
Bakas sa mukha nya ang pagka-gulat sa sinabi ko.
"Si Jeff? Hindi ka nya sinaktan? Anong nangyari dun?...
Teka? Ano bang nangyari?" sunod-sunod nyang tanong sakin.
"N-nakita ko si Ivan...
Ma-may kasama syang b-b-babae." utal-utal kong sabi sa kanya. Naiiyak nanaman ako. Pakiramdam ko, lason yung sinasabi ko... Dahil dito unti-unti akong namamatay.
"Saan?" galit ang tono ng boses ni Axel, alam kong balak nyang sugurin si Ivan.
"Hayaan nalang natin sya." sabi ko.
"Yang hinayupak mong Ex! Ang kapal ng mukha nya...
Di nya manlang pinaabot ng isang buwan bago sya lumandi sa iba...
Parang agad-agad pinalitan ka nya ah?...
Wag talagang magpapakita sakin yang tarantado mong Ex ah...
Baka di ko sya matantya, masukat ko sya!" walang tigil nyang sabi sakin.
Ex?
Ex ko na ba talaga si Ivan?
Parang hindi ko kaya?
"Wala daw si Mam...
Tara, kain tayo? Libre ko...
Naiistress ako dyan sa hayop mong Ex...
Di ko ma-imagine na sinuportahan ko sya para sayo." sabi nya. Sumama nalang ako sakanya.
Naglakad kami papunta sa foodcourt ng school.
Maraming pwedeng bilhin pero, wala akong gana.
Matapos kong makita na masaya si Ivan sa iba...
Dapat ako yun e...
Dapat ako yung nagpapasaya sakanya...
Pero maraming kailangan si Ivan, na di ko kayang ibigay.
Kailangan kong tanggapin yun...
Pero, bakit di ko magawa?
Para kong kumuha ng kustilyo at paulit-ulit sinasaksak sa puso ko.
Wala e... Tanga!
Habang inaantay ko si Axel, nagulat ako dahil biglang may humatak sakin.
Inakbayan nya ko at sinakop nya ang buong leeg ko gamit ang braso nya.
Amoy palang nya...
Kilala ko na sya.
"Storm... Ano ba?" reklamo ko. Nakangiti naman sya sakin na parang tanga.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...