Chapter 82 - Back To You

1.8K 88 108
                                    

*Chris Jay's POV*

Hindi ako mapakali.

Nakahiga lang ako habang inaantay na dumating si Storm.

Simula nung nalaman ko ang lahat, agad kong pinatawag si Storm.

Gusto ko syang makita.

Gusto ko syang mayakap.

Gusto kong sabihin sakanya na mahal na mahal ko sya.

Alam ko na hindi maganda ang huli naming pagkikita dahil halos ipagtabuyan ko sya.

"Wag kang mag alala anak, padating na yun si Storm." rinig kong sabi ni Nanay sakin habang nanonood sya ng TV.

Napabuntong hininga lang ako sa sinabi ni Nanay.

"Kasi naman, pag nandito...

Gustong gusto mong paalisin, tapos ngayon hinahanap hanap mo...

Ano ba kasi ang nangyari sayo?

Mula nung nagising ka, di mo sya kinakausap...

Di mo lang alam na simula nung nandito ka sa hospital gabi gabi ka nyang binabantayan, kinakausap ka pa nga nya gabi gabi." sermon sakin ni Nanay.

Di ko naman pwedeng sabihin sakanya yung mga napanaginipan ko. Na kaya ako naging ganun kay Storm dahil inakala ko na totoo yung nangyari.

Pero teka!

Oo nga!

Natatandaan ko, na tuwing natutulog ako may naririnig akong boses...

At boses nga ni Storm yun.

Napakamot nalang ako ng ulo sa sinabi ni Nanay.

Tumahimik...

Pero si Storm lang ang iniisip ko.

"Galit po kaya sya sakin?" pambasag ko sa katahimikan.

"Di ko alam...

Bakit di nalang sya ang tanungin mo mamaya?" sagot sakin ni Nanay.

Maya-maya,

Nakita kong bumukas ang pinto ng kwarto ko.

At dumating sya.

Yung lalaking kanina pa tumatakbo sa isip ko.

"Good Evening po, Tita." bati nya kay Nanay. Agad naman syang napatingin sakin.

"Oh sakto, nandito kana pala...

Ikaw nalang muna ang magbantay kay Cj, uuwi na muna ako..

Kailangan ko pumasok bukas." sabi naman ni Nanay sakanya.

Nakita ko nalang na nilapag ni Storm ang bag nya sa lamesa.

"Ah sige po...

Ingat po kayo sa byahe." pagpapaalam ni Storm.

At tuluyan nang umalis si Nanay.

Kami nalang ni Storm ang naiwan sa kwarto.

Walang nagsasalita.

Tanging tunog na nanggagaling lamang sa TV ang maririnig mo.

Nakita ko na umupo sya sa gilid.

Di ko alam ang sasabihin ko.

Parang nalunok ko yata ang dila ko kaya di ako makapagsalita.

Kay Storm lang ako nakatingin...

Habang sya nanonood ng TV.

Pinagmasdan ko ang hitsura ni Storm.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon