*Chris Jay's POV*
"Baliw ka kasi e!" sabi ko kay Storm. Habang nakatingin ako sa side mirror ng motor nya.
"Nung isang araw pa naman yan, di na yan halata." mapangasar nyang sagot sakin.
Muli ko nanamang tinignan ang nasa leeg ko.
Bakit ba ang tagal mong mawala?
Nung isang araw ka pa ah? Nag-enjoy ka yatang tumira sa leeg ko?
Kumuha ulit ako ng pulbo at nilagyan ko ang leeg ko.
Ayan, di na sya halata.
Tinignan ko naman ng masama si Storm na nakangisi sakin.
"Di na talaga ko papayag sa gusto mo." pagbabanta ko sakanya.
"Hahahaha! Ginusto ko lang ba?...
Ginusto naman nating dalawa yan ah? Sarap na sarap ka pa nga habang nilalagyan kita nyan." tumatawa nyang sabi sakin sabay turo sa hickey na nilagay nya sa leeg ko nung isang araw.
Hinampas ko sya sa balikat nya, tumawa lang sya.
Naglakad na ko papasok ng school, nandito pa kasi kami sa parking lot e.
Maaga kasi ang resume ng class ngayong taon, parang nung isang araw lang nung sinalubong namin ang bagong taon.
At yes...
Sinalubong namin ni Storm ang bagong taon with a 'Bang' talaga.
Alam nyo na yun...
Kaya nga may marka nanaman ako sa leeg ko.
Na hanggang ngayon, nakakapagtaka na hindi parin nabubura to.
Wala e...
Ginalingan ni Storm, natuwa naman ako.
"Mauna kana pala mamaya, may training pa ko e." sabi ko sakanya.
Sabay tulak ko sakanya papunta sa ibang daan.
"Hatid na kita." sabi nya sakin.
"Luh? Landi mo! Male-late kana...
Bye!" sabi ko naman sabay lakad papunta sa college ko.
Wala naman syang nagawa kasi nga naglakad na ko.
Habang naglalakad ako...
Tumitingin ako sa mga salamin ng building.
Mukhang hindi na nga sya halata.
"Musta na...
Bakla!?" rinig kong sabi sa likod ko.
Paglingon ko.
"F*ck!" sabi ko....
Sabay takbo ng mabilis.
Hayop talaga! Ang aga-aga, ayan nanaman sila Kevin.
Pero teka...
Parang ngayon ko nalang ulit sya nakita ah?
Matapos nung nangyari last year. Teka ulit, di pa ba sya nadadala nung binugbog sya ni Storm dati?
Haaay!
Maaga nga kong pumasok ngayon para makipagkwentuhan muna kay Axel e...
Tapos maaga din silang nambubully.
Dapat pala nagpahatid na ko kay Storm, baka sakaling maayos ang kalagayan ko ngayon.
Bagong taon na ah? Di parin sila nagbabago?

BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...